'Love, Ngo' ni Jerald hindi pambabastos sa mga may cleft palate

‘Love, Ngo’ ni Jerald Napoles hindi pambabastos sa mga may cleft palate

Ervin Santiago - May 12, 2026 - 12:35 AM
'Love, Ngo' ni Jerald Napoles hindi pambabastos sa mga may cleft palate
Jerald Napoles at ang iba pang cast members ng ‘Love, Ngo’

WALANG intensiyon ang bagong pelikula ni Jerald Napoles na “Love, Ngo” na bastusin ang mga taong ngongo dahil sa kanilang cleft palate. 

Mismong ang bida ng pelikula na si Jerald na ang nagsabi na hindi nila ito ginawa upang husgahan at i-bully ang mga ngongo.

Sa katunayan, para raw talaga sa naturang komunidad ang movie nila ni Direk Darryl Yap dahil nais daw nilang ipakita sa buong mundo ang buhay at mga pinagdaraanang pagsubok ng mga ngongo. 

Ayon kay Jerald, natutunan daw niya sa pagbibida sa “Love, Ngo” kung paano tinatanggap ng mga taong may cleft palate ang mga pambu-bully sa kanila.

Tulad na lang kung paano sila nagre-react at sumasagot sa mga taong agad silang hinuhusgahan.

“Base sa istorya na ginawa namin, ang mahirap na pinagdaanan ng character is how are you gonna take it in when people are not letting you in,” sabi ni Jerald sa mediacon ng “Love, Ngo” last May 7.

Binigyang-diin ng aktor ang nabanggit ng kanyang co-star sa movie na si Tata Daclan na may cleft palate sa tunay na buhay, na tinanggap na lamang nito ang kanyang kondisyon dahil ipinanganak siyang ganu’n.

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“But if it’s continuous since you were in high school, hangga’t pagtanda mo, hangga’t paglaki mo, kung tuloy-tuloy ba, ano ba? Pupunta ka ba sa jaded na galit o jaded na wala na tayo pag-asa? I think that’s the challenge of the character,” lahad ng mister ni Kim Molina.

Sey pa ni Jerald, hindi siya nag-hold back sa pagganap na Ngo sa pelikula sa kabila ng mga natatanggap na negative comments from netizens.

“Sa pag-portray po, hindi po ako nag-ingat kung ano ang hinihingi ng character. Kailangan mo ibigay eh kasi mas nakaka-offend para sa akin kung magiging half-baked ka, eh. 

“It’s not about ’yong accent, ’yong paano mo ipo-portray kasi wala naman kaibahan talaga eh. Nagkataon lang na may cleft palate ’yung character,” esplika ni Jerald.

Samantala, ang karakter na minahal sa pelikula at nag-trending sa social media ay nagbabalik nga at ngayon, may sarili na siyang pelikula.

Mula sa “Ang Babaeng Walang Pakiramdam”, muling gaganap bilang si Ngongo si Jerald sa “Love, Ngo”, na mapapanood sa mga sinehan ngayong June 3, 2026.

Sa pagbabalik-pelikula ng direktor na si Darryl Yap, muling mabibigyang-buhay ang karakter na nagpatawa, nagpangiti, at umagaw ng atensyon ng mga manonood.

Bukod kay Tasha, ang superwoman na walang emosyon, nakilala rin sa isa sa mga top-streamed films na “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” ang funny man, maaasahan at laging reliable na si Ngongo. 

Hindi lang sa pelikula nagpasaya si Ngongo—ang kanyang “Mork and Mean” na eksena ay nag-trending online at umabot sa mahigit 125 million views.

Ngayong Hunyo, alamin natin kung ano nga ba ang buhay ni Ngongo bago sila nagtagpo ni Tasha!

Si Ngongo ay isang masipag, maabilidad, at madiskarteng binata na tumutulong sa burger stand ng kanyang Mother Queen.

Naiiba man siya dahil sa kanyang kondisyon, mayaman naman siya sa pagmamahal mula sa kanyang mga tapat na kaibigan na kapareho rin niya ng kapansanan.

Ibinubuhos ni Ngongo ang kanyang libreng oras bilang volunteer sa The Cleft Lip and Palate Foundation, isang organisasyong tumutulong sa mga may bingot at ngongo. Dito niya makikilala si Scarlet, ang kanyang first love. 

Liligawan ni Ngongo si Scarlet, ngunit tutol ang pamilya ng dalaga dahil sa estado ng buhay at kondisyon niya. Dito masusubok ang kanyang katatagan, dahil hahamakin niya ang lahat para kay Scarlet, kahit pa ikapahamak niya ito.

At sa kanyang pagpupursiging makuha ang pag-ibig ng babaeng pinakamamahal, unti-unti niyang makakalimutan na may pamilya at mga kaibigan ding nagmamahal sa kanya nang tapat at walang pag-aalinlangan.

Samahan si Ngongo sa kanyang journey para matagpuan ang tunay na pag-ibig at pagmamahal sa sarili. 

Mula sa direksyon ni Darryl Yap, makakasama ni Jerald Napoles sa pelikula ang mga kilalang influencers na sina Malupiton at Jack Argota, na magdadagdag ng kuwela at saya para sa mga manonood. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin dito ang award-winning actress-director na si Gina Alajar na gaganap na nanay ni Jerald sa pelikula. Showing na sa mga sinehan nationwide ang “Love, Ngo” sa June 3.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending