PBBM sa Araw ng Kagitingan: Tumindig sa tama, tumulong sa kapwa

SA paggunita ng bansa sa Araw ng Kagitingan, hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sambayanan na ipaglaban ang tama at tumulong sa kapwa.
“Kaya inaanyayahan ko ang bawat isa na isabuhay ang kagitingan sa bawat tamang desisyon, sa bawat pagtulong sa kapwa, at sa bawat paninindigan sa tama,” sabi ni Marcos Jr.
Sinabi pa niya na ang kabayanihan ay maaaring ipakita sa mga pang araw-araw na gawain, sabay pagkilala sa mga sakripisyo ng mga sundalong Pilipino noong World War 2, partikular na sa Corregidor at Bataan.
“Ngayong araw, inaalala natin ang tapang at sakripisyo ng mga Pilipinong tumindig para sa ating kalayaan,” sabi pa ng Punong Ehekutibo.
Ginugunita sa bansa tuwing ika-9 ng Abrll ang pagsuko ng higit 76,000 na mga sundalong Pilipino at Amerikano sa puwersa ng Japan noong 1942.
“Ang kanilang kabayanihan ay hindi lamang bahagi ng ating kasaysayan.
“Ito ay buhay na paalala na ang diwa ng kagitingan ay nananatili sa bawat Pilipinong patuloy na nagsusumikap at bumabangon para sa kanilang pamilya at sa bayan,” banggit pa ni PBBM.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
