Kampo ni Duterte sinopla ni De Lima: Akala siguro nila ang SC ay ‘Sara’s Court’

SINOPLA ni Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima ang kampo ni Vice President Sara Duterte matapos maghain ang mga ito ng petisyon sa Supreme Court.
Ngayong araw, April 8, naghain ng Petition for Certiorari and Prohibition sa Korte Suprema ang mga abogado ni VP Sara hinggil sa deliberasyon ng House Committee on Justice sa mga impeachment complaints laban sa Bise Presidente.
Ito’y upang linawin ang mahahalaga nilang katanungang nakabatay sa Saligang Batas na kailangang mabigyang-atensyon agad ng Supreme Court.
“This step was taken to seek clarity on fundamental constitutional questions, which, in our view, warrant the Court’s immediate attention,” ang pahayag ng kampo ni Duterte.
Depensa pa nila, hindi sila umiiwas sa proseso ng House Committee on Justice at ang nais lamang daw nila ay ang tamang pagsunod sa kung ano ang isinasaad sa Konstitusyon.
Kasunod nito, nag-post si De Lima sa kanyang Facebook page para benggahin at supalpalin ang kampo ni VP Sara.
Baka raw kasi ang tingin ng mga tagapagtanggol ng vice president ay puwede nilang laging takbuhan ang Supreme Court para pagtakpan ang kaduwagan ni VP Sara at pagtakas umano pananagutan nito.
“Akala siguro nila yung SC ay ‘Sara’s Court’ na pwede nila laging takbuhan para pagtakpan ang kaduwagan at pagtakas sa pananagutan,” pahayag ni De Lima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
