Sam Milby na-intimidate sa lakas ng dating ni Catriona Gray!?

Sam Milby na-intimidate sa lakas ng dating ng personalidad ni Catriona Gray!?

Reggee Bonoan - February 16, 2026 - 09:33 AM
Sam Milby na-intimidate sa lakas ng dating ng personalidad ni Catriona Gray!?
Catriona Gray at Sam Milby

MAY nakatsikahan kaming kaibigan ni Sam Milby tungkol sa naging reaksyon ng aktor sa pahayag ni Catriona Gray na hindi pa handa ang binata na magpakasal kaya sila naghiwalay.

Nagseryoso ang kaibigan ng aktor at umaming nalungkot din siya sa nangyari dahil ang alam niya ay end game na ni Sam si Catriona lalo’t gustung-gusto na nitong mag-asawa noon pang edad 35 (41 years old na ang binata ngayong 2026) siya at gusto na ring magkaroon ng mga anak.

Bago naging sina Sam at Catriona ay matagal na naging single ang aktor dahil nga pihikan siya at gusto niya ay last na ang babaeng mamahalin niya.

Kaya laking gulat namin nu’ng biglang nabalitang hiwalay na ang dalawa, anong nangyari bakit nauwi sa hiwalayan at wala namang third party involved.

“When Sam watched that interview (Karen Davila vlog), nalungkot siya because all he knows ay hindi magsasalita si Cat. Sa kanila na lang ‘yun, pero nangyari nga.

“Tama naman si Cat na nasaktan siya sa sinabing hindi pa ready si Sam magpakasal, babae ‘yun, eh.  Wala namang kumuwestiyon do’n, ‘yun lang parang nagmukhang masama si Sam kasi siya ‘yung guy,” kaswal na tsika sa amin.

View this post on Instagram

A post shared by Netflix Philippines (@netflixph)

Diretsong tanong, bakit hindi pa ready si Sam, e, matagal na niyang pinangarap ikasal kaya nga ang tagal bago siya nagkaroon ng girlfriend after ng relasyon niya kay Mari Jasmine.

“It’s not my story to tell, eh. Let’s put it this way, baka hindi swak ugali nila? Aminin natin, Alpha si Cat lakas ng dating, di ba? Si Sam parang okay lang lahat. 

“Bilang lalaki mahirap ‘yung mas malakas ang dating ng girlfriend, kailangan may control ka or else baka maiwan ka.

“Kita sa interview ni Cat strong woman siya, e, baka na-intimidate si Sam? ‘Yun lang observation ko sa kanila, pero siguro mas maganda kung si Sam ang magkuwento kasi si Cat naglabas na ng side niya, so, si Sam na lang,” kuwento sa amin ng kaibigan ng aktor.

Inaming mahal ni Sam si Catriona, pero parang ang pagmamahal daw na iyon ay nagkaroon ng doubt na hindi naman binanggit kung bakit.

Anyway, ano kaya ang “alibi” ng aktor dito at sana marinig din ang side niya para maliwanagan ang lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana’y magsalita ang aktor sa gaganaping grand mediacon ng seryeng “The Alibi: Ang Buong Katotohanan” ngayong araw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending