
PUMANAW na ang beteranang aktres na si Vangie Labalan sa edad na 83.
Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kanyang pamilya.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ibinahagi ng kanyang anak na si Carlo Labalan na pumanaw ito dahil sa kanyang sakit.
“To everyone who know her, love her, and was touched by her kindness, we extend our deepest gratitude. She is deeply loved and will be dearly missed by her family, friends, and all whose lives she touched,” pagbabahagi ni Carlo sa pagkamatay ng ina.
Baka Bet Mo: Veteran actress nabastos sa dinaluhang awards night, nag-walkout
Pagpapatuloy niya, “She will be coming home soon. Further details regarding her wake and funeral services will be shared in the coming days.”
Samantala, nagbigay tribute naman ang anak na babae ni Vangie na si Van-van Aligam at sinabing hindi nahiraan ang ina at yumao ito nang mapayapa.
“I’m glad you passed peacefully, surrounded by family… We love you Ma. Rest easy,” sabi nito.
Binigyang pugay rin niya si Vangie sa ginawa nitong paghubog at pagpapalaki sa kanilang magkakapatid.
Inalala rin niya ang pagmamahal ng ina sa industriya at sinabing ito ay dumadaloy na ss kanilang dugo.
Nakilala si Vangie os si Ma. Christina Bonghanoy Labalan sa kanyang mga pagganap sa “Pi7ong Tagpo,” “Conan My Beautician,” at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
