PERSONAL na ipinabatid sa Aksyon Line ng isa sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda ang pagnanais ng karamihan sa mga biktima sa kanilang lugar na makapag-avail ng loan sa Social Security System (SSS) makaraan ang pananalasa ng bagyo sa kanilang lugar.
Sinabi ni Mr. Rommel Maraya ng 676 Rizal st., Alang alang, Leyte, na marami sa kanyang mga kapitbahay na pawang mga miyembro ng SSS ang nagtatanong kung mayroon bang mga malalapit na tanggapan ng SSS kung saan sila makapag-aaplay ng loan.
Sa ngayon, ang Ormoc lang aniya ang maituturing na malapit sa kanilang lugar subalit tatlo hanggang apat na oras pa ang biyahe papunta roon.
Ipinaabot din ni Rommel sa kinauukulan na sana ay mabigyan sila ng relief goods dahil kinakapos na sila sa pagkain.
Bagaman nawasak ni “Yolanda” ang kanilang bahay ay marami naman ang buo ang pamilya sa Alang alang kaya nagpapasalamat sila sa Poong Maykapal.
ITO ay kaugnay ng tanong ni G. Rommel Maraya ng Leyte kung saang tanggapan ng SSS sila maaaring mag-file ng kanilang mga aplikasyon para sa Calamity Relief Package.
Ang lahat ng aming tanggapan sa Tacloban maliban sa mismong Tacloban branch ay bukas at tumatanggap ng mga aplikasyon para sa Calamity Relief Package. Ang mga SSS members ay maaaring magsumite ng kanilang aplikasyon sa aming Calbayog, Catbalogan, Maasin at Ormoc branches.
Para naman sa mga miyembrong nakatira sa Tacloban, maaari nilang ipasa ang kanilang aplikasyon sa aming Satellite Office (SO) na matatagpuan sa Yuhoo Building, National Highway, Barangay 77, Fatima Village, Marasbaras, Tacloban City. Ang aming SO ay nasa loob mismo ng compound ng dating Tacloban branch.
Ang aming SO sa Tacloban ay binuksan noong Disyembre, 2 at ito ay bukas mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes. Tatlong empleyado mula sa SSS Catbalogan ang naatasang mag-assist sa aming mga miyembro rito.
Maraming salamat sa patuloy na pagtitiwala sa SSS
Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security Officer IV
Media Affairs Department
Social Security System
Ito ay kaugnay ng tanong ni G. Rommel Maraya ng Leyte kung saang tanggapan ng SSS sila maaaring mag-file ng kanilang mga aplikasyon para sa Calamity Relief Package.
Ang lahat ng aming tanggapan sa Tacloban maliban sa mismong Tacloban branch ay bukas at tumatanggap ng mga aplikasyon para sa Calamity Relief Package. Ang mga SSS members ay maaaring magsumite ng kanilang aplikasyon sa aming Calbayog, Catbalogan, Maasin at Ormoc Branches.
Para naman sa mga miyembrong nakatira sa Tacloban, maaari nilang ipasa ang kanilang aplikasyon sa aming Satellite Office (SO) na matatagpuan sa Yuhoo Building, National Highway, Barangay 77, Fatima Village, Marasbaras, Tacloban City. Ang aming SO ay nasa loob mismo ng compound ng dating Tacloban Branch.
Ang aming SO sa Tacloban ay binuksan noong Disyembre, 2, 2013 at ito ay bukas mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes. Tatlong empleyado mula sa SSS Catbalogan ang naatasang mag-assist sa aming mga miyembro dito.
Maraming salamat sa patuloy na pagtitiwala sa SSS
Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security Officer IV
Media Affairs Department
Social Security System
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE.
Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.