Mga kabutihan ni Anne nabura lahat dahil lang sa alak | Bandera

Mga kabutihan ni Anne nabura lahat dahil lang sa alak

Cristy Fermin - December 06, 2013 - 03:00 AM

ANNE CURTIS AT JOHN LLOYD CRUZ

Sabihin man ng kanyang mga tagadepensa na lasing lang naman si Anne Curtis kaya siya nagbida sa isang kabalbalan ay siguradong hindi niya makukuha ang simpatya at pang-unawa ng lahat ng ating mga kababayan sa nangyari.

Kahit anong paliwanag pa ang gawin ngayon ni Anne ay meron at meron pa ring kokontra sa kawalan ng urbanidad na inasal niya isang gabi kung saan nagtungayaw siya sa pagsasabing kaya niyang bilhin si Phoemela Barranda, ang mga nandu’n pang ibang tao at pati ang bar na kinaroroonan nila.

Lalong hindi niya madaling mahihilot ang mga kababayan natin sa ginawa niyang pananampal sa dalawang hindi taga-showbiz at kay John Lloyd Cruz kahit pa sabihin niya na lasing na lasing kasi siya.

Ano ang pinabibili ng mga kababayan natin ngayon kay Anne, di ba’t manners at breeding, ‘yun daw ang bilhin niya kung saanman merong ibinibenta para umayos siya ng kilos kapag umiinom siya.

Nanghingi na ng tawad ang magandang aktres, pero hindi naman lahat ay tumanggap sa panghihingi niya ng dispensa, nagalit pa nga lalo ang ibang nakabasa nu’n, dahil parang iniiwas pa ni Anne ang kanyang sarili sa iskandalo at ang sinisisi niya ay ang kanyang kalasingan.

Sikat si Anne Curtis, malaking pangalan kasi siya, maganda kasi ang imaheng meron siya mula pa nu’n, kaya ganito ang pagtanggap ng mas nakararami sa kanyang nagawa, para bang isang kasalanan nang mortal ang ginawa niyang pagwawala sa bar.

Dahil du’n ay parang nakalimutan na ng iba ang kagandahan ng kalooban ng dalaga sa mga kababayan nating nagiging biktima ng mga kalamidad na agaran niyang tinutulungan nang walang mga camerang nakatutok at nakasunod sa kanyang mga galaw.

Biglang naglaho sa listahan ang mabuti niyang puso sa maliliit at nagdarahop. At walang dapat sisihin si Anne Curtis sa ganu’ng pangyayari kundi ang minsan din niyang pagkalimot sa kagandahang-asal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending