KUNG sakaling mapatutunayang nagkasala sa hindi pagbabayad ng buwis ay patatawarin ng pamahalaan si boxing champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa isang kondisyon. Ito, ayon kay Pangulong Aquino, ay kailangan muna niyang magpakita ng pagsisisi at mangako na hindi na muling iiwas sa mga obligasyon. “I think the lesson has to be that if you are guilty of a particular crime, then the degree—you have to exhibit a degree of remorse,” paliwanag ni Aquino. “ But, at this point in time, he says that he has complied with all the requirements. So I think this is crossing the bridge that is too far away yet.”
Noong isang linggo ay ipinag-utos ng Court of Tax Appeal na i-freeze ang mga bank accounts ni Pacquiao kaugnay sa di umano pagbabayad ng buwis na aabot sa P2.2 bilyon para sa kanyang napanalunan sa boksing mula 2008 hanggang 2009.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.