Kyline Alcantara sa next dyowa: Sana mas mature, mas stable mentally at mabait

NEVER susukuan ng Kapuso actress at singer na si Kyline Alcantara ang love sa kabila ng ilang beses na pagkabigo sa pakikipagrelasyon.
Sa panayam sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda“, natanong ang ex-girlfriend ng kapwa Kapuso star na si Mavy Legaspi at ng basketball player na si Kobe Paras kung ready na ba siya to fall in love again.
“Sabi ko nga po sa last interview natin, Tito Boy, I will never ever give up on love. Never!
“At katulad nga po ng sinabi ko, hindi po ako takot na maramdaman ng bawat emosyon na ipaparamdam sa akin ng Panginoong Diyos dito sa buhay ko because it’s gonna make me feel human,” pahayag ni Kyline.
Kasunod nito, inisa-isa ng Kapuso star ang mga katangiang hinahanap niya sa lalaking pwede niyang makarelasyon pagdating ng tamang panahon.
“Sa ugali po talaga ako. Sana mas mature, mas stable mentally, mabait, will respect my family, will respect me, not just as a woman but as a person,” ani Kyline.
Hindi rin daw siya masyadong tumitingin sa pisikal na katangian ng lalaki, “‘Dapat ganito, dapat ganito,’ Hindi po.”
Pero nang mabanggit ni Tito Boy kung kailangang mayaman ang guy, sey ni Kyline, “Puwede ho. Puwede. Why not? Pero siyempre, hindi naman po ‘yun ‘yung first thing para makipagrelasyon ako.”
Matatandaang naging kontrobersyal ang paghihiwalay noon nina Kyline at Mavy kung saan nadamay pa ang nanay ng aktor na si Carmina Villarroel dahil hindi raw ito boto sa aktres.
Pinag-usapan din ng mga Marites ang breakup nila ni Kobe Paras kung saan hindi rin malinaw kung ano talaga ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
