Pobre sa trabaho (2) | Bandera

Pobre sa trabaho (2)

Joseph Greenfield - December 02, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Beth, ng San Dionisio, Iloilo
Problema:
1.      Lagi akong puyat sa trabaho dahil panggabi ang trabaho ko.  Ako po’y 24-anyos na pero nang dahil sa labis na pagpupuyat at mas matanda ang anyo ko.  Pero, kontento na ako kahit mahirap ang trabaho.
2.    Mas mahirap kung wala ako trabaho.  Ako’y may lisensiya sa aking propesyon pero hindi ito ang aking trabaho.  Saan ba ako yayaman?  Sa abroad?  Sa kasalukuyang suweldo ay hindi ako yayaman.
Umaasa,
Beth, ng San Dionisio, Iloilo
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing sa sandaling nakapag-asawa ka ng isang Capricorn o kaya’y Aquarius na mayaman, puwede din ang Taurus, at pagkatapos ay nag-negosyo ka, tulad ng naipaliwanag na sa Palmistry at Cartomancy, hindi tipikal na pamamasukan ang magpapayaman sa iyo kundi pagnenegosyo.
Numerology:
Ayon sa birth date mo, tiyak na yayaman ka, higit lalo kung ang lalaking magiging boyfriend at mapapangasawa mo ay isinilang sa petsang 5, 14, 23, 8, 17 at 26. Kapag ganya ang birth date ng lalaking napangasawa mo, tiyak na yayaman kayo.
Luscher Color Test:
Sa sandaling nakapagsimula ka na ng negosyo, laging gumamit ng kulay na pula. Sa pamamagitan ng kulay na pula, mas madali mong maa-attract ang pagyaman at maraming-maraming pera.
Huling payo at paalala:
Beth, ‘wag kang magre-resign o magsasawa sa kasalukuyan mong trabaho lalo na’t malaki naman ang suweldo, ang mahalaga magipon ka ng mag-ipon ng puhunan. Kapag may sapat ka ng puhunan, sa taon 2018 sa edad mong 29 pataas, simulan mo ang negosyong may kaugnayan sa kurso o kaya naman’y kalakal na may kaugnayan sa modernong teknolohiya at mga high tech na kasangkapan, makikita mo, lilipas ang limang taon, at mayamang-mayaman ka na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending