Pedro Calungsod naghimala kina Rocco Nacino at Johan Santos
IBA’T IBANG himala ang ginawa ng pelikulang “Pedro Calungsod, Batang Martir” para sa ilang bida rito sa pangunguna ni Rocco Nacino.
Supposed to be may ibang malaking project na pagbibidahan si Rocco, ang “Lam-Ang.” Hindi natuloy ang proyekto at bago pa siya nalungkot ay inalok sa kanya ang “Pedro Calungsod” na isa sa official entries sa 2013 Metro Manila Film Festival.
“Opo, parang everything fell into place. Parang sabi ko, Lord thank you po. Very blessed po ako ngayong taon,” umpisa niya after ng question and answer sa presscon ng “Pedro Calungsod.”
Knows naman ng marami na si JM de Guzman ang first choice for the role. Tila may divine intervention nga na siya ang kinuhang kapalit ni JM. Kaya walang isyu kay Rocco kung second choice man siya sa movie.
“Very thankful po ako na ako ang naisip nilang kunin for Pedro Calungsod. Pero kung magiging isyu pos a iba na second choice ako, wala po sa akin ‘yun.
Ang importante sa akin nagtiwala ang producer (HPI Synergy Group at Wings Entertainment),” lahad ni Rocco. Aware naman si Rocco na mga higante ang kalaban nila sa MMFF.
Mismong ang director ng “Pedro Calungsod” na si Francis Villacorta ang nagkwento na marami siyang nilapitan na mga tao para i-prodyus ang film pero lahat ay tumanggi.
Ang alam ko nga, e, natsismis noon na magba-back-out na sila sa MMFF. Even ang HPI Synergy ay umamin na kakausapin na sana nila si Francis para mag-beg-off sa project.
But the night before ng meeting nila, hindi raw makatulog ang lady producer and ended up with a decision na they will produce the film.
“Chance sa best actor? Ah, well, first time kong makasali sa filmfest so, having this film is an award already. Hindi ganoon kadalas magkakaroon ng ganito kalaking pelikula, so, para sa akin award na ‘to.
“And of course I’m hoping we bag an award or awards. Pero bonus na lang ‘yun. Ang importante mapamahagi naman to sa mga tao lalo na sa mga, kumbaga, dinededikeyt ko rin sa mga nabiktima ng calamity.
This is a film na would help enlighten you, parang magiging eye –opener, will bring optimism in your life,” pahayag ni Rocco.
Personally, hindi na rin daw siya nage-expect na manalo ng award sa MMFF, “Natutunan ko na huwag mag-expect.
You can hope but not expect. Kung ano ang nagawa mo be happy with it. Be happy and contented. Tsaka magagaling po talaga ang mga kalaban ko. Pero may konting hope. Sana, kumbaga, fingers-crossed pa rin,” ngiti niya.
Pero ano nga kaya kung manalo si Rocco bilang Best Actor sa filmfest, “Siguro po maiiyak ako dahil alam ko na binigay ko lahat para sa pelikulang to.
It was very tiring kasi I was doing four projects at the same time nu’ng ginagawa ko ‘to. Kaya it was very taxing. Alam ko na ito ang pinakamahirap kong ginawa.
Nagsalita ako ng Bisaya, Latin, at kung anu-ano pa po. Magiging speechless po siguro ako kapag nanalo ako,” excited niyang sabi.
Natawa naman si Rocco nu’ng ikumpara siya bilang babaeng Nora Aunor. Pareho kasi na may temang relihiyon ang “Himala” at “Pedro Calungsod.”
Dagdag pa, pareho rin daw nakaluhod at nagdarasal sina Nora at Rocco sa poster ng respective films nila. Bukod kay Rocco, very proud naman na kinuwento ni Johan Santos kung paano siya nakaligtas sa mga magnanakaw nang tangkaing nakawin ang kotse niya that night.
Pagarahe na raw sana siya sa bahay nila nu’ng may mapansin siyang dalawang lalaki. Ang isa ay nakasuot ng bonet na siyang tumutok sa kanya ng baril pagbaba niya ng sasakyan.
“Hindi ko malaman kung bakit hindi ako natakot nu’ng tinutok sa akin ‘yung baril at pinaputok. Tumama sa kabilang mirror ng kotse ‘yung bala at himalang ‘di ako tinamaan.
Sabi ni Tito Mel (Navarro, publicit ng pelikula), ‘Baka sinave ka ni Pedro Calungsod.’ “I’m very happy na nandito pa ako at kasama kayo,” pasasalamat ni Johan.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.