Janella Salvador, Marlo Mortel balik-tambalan sa bagong proyekto

NAGBABALIK ang kilig para sa fans ng tambalang MarNella!
Hindi mapigilan ng fans ang excitement matapos magkasama muli sina Janella Salvador at Marlo Mortel para sa isang upcoming TV series.
Sa Facebook post ng Lowe Key Productions, makikita sa isang picture na sweet na sweet na magkayakap ang dalawa sa set ng kanilang bagong proyekto.
“MarNella spotted behind-the-scenes of an upcoming TV series!” bungad sa caption.
Baka Bet Mo: Janella Salvador nangakong ibabandera ang relasyon kay Klea Pineda kapag…
Dagdag pa rito, “The last time Marlo and Janella worked together on a TV series was 10 years ago (Oh My G!) who missed them?”
Bagamat wala pang inilalabas na detalye tungkol sa bagong serye, sapat na ang eksenang iyon para magpaandar ng kilig at nostalgia sa mga fans na matagal nang naghihintay ng kanilang pagbabalik.
Matatandaang unang nagsama ang dalawa bilang loveteam sa 2012 teleserye na “Be Careful with My Heart,” kung saan nagsimula ang kanilang chemistry na agad tinangkilik ng publiko.
Dahil sa kasikatan ng kanilang team-up, sinundan pa ito ng 2015 serye na “Oh My G,” pati na rin ng mga guest appearance sa “Maalaala Mo Kaya” at “Wansapanataym.”
Hindi natapos doon dahil nag-reunite din sila noong Nobyembre 2024 sa music video ni Marlo para sa kantang “Huling Ngiti.”
Bukod pa rito, naging paborito ring mukha nina Marlo at Janella ang mga karakter na sina Juanito Alfonso at Carmela Montecarlos mula sa online novel na “I Love You Since 1892.”
Sila ang ginamit na visual representations ng mga bida nang gawing libro ang nasabing nobela, bagamat hindi sila napasama sa serye nitong adaptasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
