Jeric Raval umaming ‘nadulas’ lang nang ibuking 2 anak nina AJ at Aljur

KINUMPIRMA ng action star na si Jeric Raval na 15 na ngayon ang kanyang mga apo, kabilang na riyan ang dalawang anak ni AJ Raval kay Aljur Abrenica.
Inamin ni Jeric sa isang presscon ilang linggo na ngayon ang nakararaan na totoong may mga anak na sina J at Aljur pero “nadulas” lang daw siya nu’n at hindi na niya binawi.
Never pa kasing inamin publicly ng celebrity couple na meron na silang dalawang anak kaya naman nagulat ang madlang pipol nang si Jeric pa ang maglantad nito.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, sinabi ng veteran actor na nasa 15 na ang kanyang mga apo kabilang na nga riyan ang mga anak nina AJ at Aljur.
Baka Bet Mo: AJ, Aljur kumpirmadong may mga anak na, pagbubunyag ni Jeric Raval: ‘2 na apo ko!’
Tanong ni Tito Boy kay Jeric kung nagalit ba ang anak niya at si Aljur sa kanya, “Hindi naman, actually nadulas lang ako nu’n, eh.”
“Doon sa presscon namin, mayroon akong kausap dito. Na-overwhelm lang ako. Parang normal lang na kwentuhan,” paliwanag pa ng aktor
“Nu’ng unang-unang bali-balita, wala ‘yun. Hindi totoo ‘yun. ‘Yung totoo, ‘yung panahon na hindi naman na nababalita, nasabi ko. ‘Yung panahon na hindi na pinag-uusapan, du’n ko naman nasabi. Dyusko, ano ba ‘yun? Daldal mo kasi eh,” natatawang sey pa ni Jeric.
Natanong din ni Tito Boy kung ano ang naging reaksyon ni AJ sa “kadaldalan” niya, inalala ng aktor ang sinabi sa kanya ng anak, “’Tatay Eric, may nasabi ka ba doon sa interview mo?’”
Umamin naman daw siya na may nabanggit nga siya sa kanyang panayam pero sey niya raw kay AJ, mabuti na raw yun at wala na silang dapat itago ni Aljur sa publiko.
Dagdag pa ng action star, ang panganay daw nina AJ at Aljur ay babae at lalaki naman ang pangalawa nilang anak.
Kung matatandaan, ilang beses nang dinenay ni AJ na may anak sila ni Aljur kahit pa may mga naglalabasan ng resibo hinggil dito.
“First of all, hindi po ako taon-taon buntis. Parang yearly na lang akong buntis,” sabi ni AJ.
Pero yun na nga, lumabas din ang katotohanan at pawang katotohanan lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
