HOROSCOPE, November 29, 2013 | Bandera

HOROSCOPE, November 29, 2013

Madam Sophia - November 29, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Ito ang pinakamasuwerte araw kung magsusuot ka ng kulay na berde o kaya ay pula. Sa pinansiyal, “araw na may walong sinag” ang gawing simbolo sa iyong itatayong negosyo. Sa pag-ibig, pula ang magpapalakas ng iyong magnetismo. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Green at gold ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19— Malapit na ang suweldo, ano ang gagawin mo sa pera? Umpisahan na ang pag-iipon. Paglipas ng five years ay mayaman ka na. Totoo ito sapagkat ina-attract ng salapi ang kapwa niya salapi. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Red at blue ang buenas,
Taurus – (April 20-May 20)— Huwag maniwala sa mga pamanhiin. Kailangang maging praktikal upang yumaman. Sa pag-ibig, may lihim na pagnanasa sa iyo ang isang katabi na nakasuot ng green. Mapalad ang 2, 11, 25, 29, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Bukod sa green ang yellow ay buenas din.
Gemini – (May 21-June 21)—Magniningning ang araw na ito habang nakasuot ka ng silver na singsing. Alahas na silver ang hihigop ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, ang silver na singsing, kung laging susuutin, ang magpapainit ng nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Visnu-Purana-Purana-Visnu.” Blue at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— “Water” ang elemento ng Cancer. May babala ng karamdaman kaya kumain lagi ng pagkaing nakukuha sa tubig. Ang mga pagkaing galing sa tubig at matubig ang magpapalusog at magpapahaba ng iyong buhay. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Green at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Ganyan talaga sa unang bukas ng negosyo, lugi muna! Pag nagtagal kung pipiliin mong tindera at tauhan ay may birth date 5, 14, at 23, kikita ka rin ng malaking halaga. Sa pag-ibig, upang yumaman, pumili din ng asawa na may birth date na 5, 14 at 23. Mapalad ang 6, 9, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om” Bukod sa white at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Bago simulan ang anomang trabaho,  humigop ng mainit na kape. Sa ganyang paraan, mas magiging aktibo ang iyong isipan. Ilibre ang kasuyo sa isang mamahaling coffee shop upang kapwa mag-init ang inyong katawan.  Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Tumawa nang tumawa upang mabigong lahat ang iyong mga kakumpetensya. Sa  pamamagitan ng masayahing aura, kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon kung patatawanin ang kasuyo. Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Hahalakhak ako sa daigdig!” Red at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Unti-unti mo nang natatanggap ang mapait na nakaraan! Magpakalango sa tagumpay, i-blow-out ang sarili sa mamahaling restaurant. Sa pag-ibig, tanggapin ang inaalok na pagsuyo ng isang nilalang na matagal mo ng BFF. Mapalad ang 4, 13, 24, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sahatsha-Sarva-Dustha.” Red at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Malungkot ka na naman! Ipamigay mo na kasing lahat ang iyong mga pag-aari at kayamaman. Sa pamamagitan ng dedikasyon sa mga pang-charitable na gawain ay mas matatagpuan mo ang inner happiness. Sa pag-ibig, wala sa ka-oppsite sex ang hinahanap mong ligaya, kundi na kay Lord. Mapalad ang 4, 8, 17, 26, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at violet ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Huwag gumawa ng masama para lang yumaman. Hindi tamang diskarte ‘yan, sa halip ay ituloy at dagdagdan pa ang mga pagsisikap. Sa pag-ibig, aanhin ang limpak-limpak na salapi kung kamumuhian ka naman ng iyong mga kamag-anak. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Mag-ipon ka nang maraming pera upang sumaya ang pamilya! Tama ang matagal mo nang iniisip, “kaya ring bilhin ng salapi ang pag-ibig!” Mapalad ang 4, 19, 28, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kurvan-Aum-Adhenan.” Blue at magenta ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Darating ang isang kaibigang may mabigat na problema. Magtago ka! Siya ang kaibigang hindi marunong magbayad ng utang. Sa pag-ibig, huwag ipautang ang salapi na ibinibigay ng kasuyo para yan sa inyong pamilya. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel.” Orange at maroon ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending