One-on-one with Borgie Hermida | Bandera

One-on-one with Borgie Hermida

Eric Dimzon - November 29, 2013 - 12:41 PM

MAGANDA ang simula ng NLEX Road Warriors sa 2013 PBA D-League Aspirants Cup. Hindi pa natatalo sa unang tatlong laro ang NLEX at isa sa mga dahilan ay ang pamamayagpag ng ace point guard nitong si Borgie Hermida. Nakausap ni Bandera correspondent Eric Dimzon ang dating  star player ng San Beda Red Lions at ito ang kanyang sinabi.

Bilang dating star player ng San Beda, ano ang pakiramdam mo at nag-champion uli ang San Beda sa ikaapat na sunod na pagkakataon?

Masaya. Siyempre, pride ang nakataya eh. Nung naglalaro pa ako sa San Beda, pag sinabing San Beda, ma-pride, ayaw magpatalo. Ngayon, kahit wala na ako sa San Beda, I feel that I am still a part of San Beda’s victory. Kaya masaya ako para sa San Beda.

Inaasahan mo ba na magagawa ni coach Boyet Fernandez ang nagawa niya sa San Beda para sa NLEX sa D-League Aspirants’ Cup?

Oo. Kasi malakas naman ang team namin. Intact naman. Tapos ‘yung core ng team namin is from San Beda na kaka-champion lang. Anim ang galing sa San Beda. Tapos ako, si Gabo at Jake. So parang buong NLEX, Bedita. Kaya di mahirap mag-jell.

Makakatulong ba sa NLEX ang pagdating ng mga San Beda players?

I’m sure. And they carry with them the winning attitude na nakuha nila sa San Beda. At hindi basta-basta ‘yung mga nadagdag sa amin. Mga star players sila.

Kamusta naman si Boyet Fernandez bilang coach?

Okay naman. Lagi siyang preparado. Even sa scouting. Sa practices, may dala siyang papel. Lagi talaga siyang prepared. Detalyado talaga.

Masaya ka ba sa NLEX Road Warriors?

Oo naman. Dito ko nakita ang happiness ko.

Hindi naging maganda ang unang sabak mo sa PBA. Gusto mo pa rin bang makapaglarong muli sa pro league?

Ngayon siguro, gusto ko i-establish ang sarili ko na prepared na ako sa PBA. Kasi ayoko ‘yung tryout-tryout, tapos pag dating dun, di pa pala ready. Kasi nangyari na sa akin ‘yun twice. Nakabalik pa ako sa PBA after Barako Bull. Sa Shopinas. Tapos, balik uli ako sa NLEX. Ang gusto ko, pag nag-tryout ako dun, alam ko sa sarili ko na handa na ako at kaya ko na.

Ano pa ang kailangan mong i-improve as a player?

Siguro ‘yung quickness ko at shooting. Quickness ko kasi dalawa na injuries ko. Nung college, ang bilis ko talaga. Malaki naging epekto ng mga injuries ko sa laro ko. Nung naoperahan ako, parang bumagal na.

Pero paano mo nakuhang bumalik sa paglalaro matapos ang iyong mga seryosong injuries?

Actually four injuries na nga eh. ACL, ACL, miniscal. Tulad ng kay Derrick Rose. Positive lang ang naging attitude ko. Sabi naman ng duktor, makakabalik ako. Nagpalakas ako ng tuhod. Naniwala lang ako sa mga sinasabi sa akin.

Bilang player, ano pa ang gusto mong ma-achieve?

Siguro ‘yung makabalik lang ng PBA. May championship na rin naman ako (sa NCAA at D-League), pati individual awards. Siyempre, lahat naman ng basketball player gusto makarating sa PBA. Although nakapag-PBA na rin ako before, gusto ko makapaglaro sa PBA nang maayos. ‘Yung regular.

Ano ang maaasahan ng NLEX fans sa iyo sa season na ito ng D-League?

Siguro, for me now, kasi magagaling naman teammates ko, fans can expect ‘yung leadership ko to help the team win. Bilang nakakatanda at captain ball, leadership ang kailangan kong ibigay sa team. Leadership, in and out of the court.

On a personal note, may balak ka bang pasukin ang showbiz?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Di ko alam. Siguro kung may chance. Mahiyain kasi ako e (sabay  ngiti).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending