Marian sa wedding nila ni Dingdong: Echos lang! | Bandera

Marian sa wedding nila ni Dingdong: Echos lang!

Ervin Santiago - November 29, 2013 - 03:00 AM

MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES

Wala nang pakialam si Marian Rivera sa mga pang-ookray ng kanyang mga basher sa Twitter tungkol sa ginagawa niyang pagtulong sa mga nasalanta ng super bagyo sa kabisayaan.

May mga nagsasabi kasi na puro kaechosan lang daw ang ginagawang relief mission ng Kapuso Primetime Queen dahil kung talagang bukal daw sa loob niya ang pagtulong, hindi na niya kailagang humarap sa kamera para ipagyabang ang mga ginagawa niya.

“Okey lang ‘yan. Sabi ko nga, maliit man o malaki ang naitulong mo, ipaalala mo man sa tao ‘yan o hindi, ang importante, nakakatulong ka sa kapwa mo.

“Siguro sa panahon ngayon na maraming sakunang nagaganap, maraming nawalan ng buhay e wala akong panahon na isa-isahin o i-entertainin yung mga ganung klaseng komento. Ang mahalaga sa akin, matulungan natin sila,” pahayag ni Marian nang makachika ng press sa nakaraang Star Awards for TV kung saan tinanghal nga siyang Best Drama Actress para sa seryeng Temptation Of Wife.

Nilinaw din ni Marian ang mga chika na malapit na silang magpakasal ni Dingdong Dantes dahil isang malutong na “Kabiyak” na ang tawag niya sa kanyang boyfriend.

“Echos lang! Pinakilig ko lang. Kasi ang kulit ni Kuya Robin (Padilla) nu’ng araw na yun, e. (Guest sila ni Binoe sa isang event).

“Parang sigaw kasi nang sigaw. So, niloloko ko si Kuya Robin. Pero, sa totoo lang, ang aking minamahal o ang aking nobyo…pinakilig ko lang sila.

“Kasi tumitili sila nu’ng sinabi yung pangalan ni Dong. So, pinakilig ko lang yung mga tao doon,” paliwanag ni Marian.

Well, tingnan na lang natin kung talagang echos lang ang planong pagpapakasal nina Dingdong at Marian, baka naman bukas-makalawa, malaman na lang natin na buntis na ang reyna ng GMA! Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending