Greta babu sa pagiging sosyalera, magbebenta ng t-shirt sa London
IN FAIRNESS, hindi lang naman pala puro pagpapasosyal ang inaatupag ni Gretchen Barretto. Meron din pala siyang ginagawa para makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Visayas region.
Nakauwi na si Greta sa Pilipinas kamakailan mula sa London. Ilang linggo rin siyang namalagi roon para samahan ang kanyang anak na si Dominique Cojuangco, doon na kasi ito mag-aaral kaya inasikaso muna ng aktres ang mga pangangailangan nito.
Pero kuwento ni Gretchen, babalik siya sa London para gawin ang naipangako niyang pagtulong sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda sa pamamagitan ng The Filipino Channel.
“Wala ako rito pero may TFC ako doon. Updated ako, pinapanood namin lahat ng nangyayari. Of course it’s very sad and nandito naman lahat tayo para sumuporta. I’m good kababalik ko lang. I’m here dahil maraming mga meetings nga sa ABS-CBN.
“May commercial at birthday din ni Tony Boy (Cojuangco) so I’m here for a few days and then babalik ako ng London dahil December 1 merong show doon. Piolo Pascual will be there, Enchong Dee, Shaina Magdayao, Sir Chief (Richard Yap) is going to be there.
“So, I want to tell people na magbebenta ako ng mga Tulong Tabang T-shirts doon kasama ni Dominique. Ako ang tindera ng T-shirt, abangan niyo po. Siyempre the proceeds will go to the victims of Yolanda. Yun ang aming participation dun para makita ko rin ang mga Filipino doon sa London,” pahayag ni Gretchen sa interview ng ABS-CBN.
Sa muling pagbabalik ni Gretchen sa bansa bago matapos ang taon, sisimulan na nila ang shooting ng bago niyang pelikula sa Star Cinema kasama sina Richard Gomez at John Lloyd Cruz.
At pagkatapos ng nasabing pelikula, saka lang daw siya gagawa ng teleserye, “After this movie saka ako gagawa ng teleserye kasi mahirap itong pelikulang ito. We all have to concentrate. Hindi ako superwoman. Hindi ko kaya magsabay ng pelikula at ng teleserye but after that I will do a teleserye.”
Sa darating na Pasko, hindi sila mangingibang-bansa, “Dito kami sa Pilipinas. Di ba magtratrabaho ako? So nandito ako para magtrabaho with the people I love. Simple pero ang importante kasama mo yung mga mahal mo sa buhay.”
Nang tanungin naman si Greta ng press kung ano ang wish niya ngayong Pasko, sey ni Gretchen, sana raw maging maayos na ang kalagayan ng lahat ng mga biktima ni Yolanda, “Sana lahat ng tao magkaroon ng pagkain doon sa Leyte. Lahat ng mga kailangan nila ay matugunan and peace.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.