Cardinal David sa e-sabong victims: Kailangan nila ng tulong!

Cardinal David sa mga biktima ng e-sabong, online gambling: Kailangan nila ng tulong!

Pauline del Rosario - July 12, 2025 - 02:23 PM
Cardinal David sa mga biktima ng e-sabong, online gambling: Kailangan nila ng tulong!
PHOTO: Facebook/Pablo Virgilio Cardinal David

“KAILANGAN nila ng tulong, hindi ng panghusga.”

Ito ang mariing pahayag ni Cardinal Pablo Virgilio David kamakailan kasabay ng patuloy na pagdami ng ulat tungkol sa masamang epekto ng online gambling sa mga tao at pamilya, lalo na sa kabataan at mahihirap.

Bilang paalala, binanggit din ng kardinal ang mga nangyari noong panahon ng drug war, kung kailan maraming Pinoy ang naniwala na ang mga hinihinalang gumagamit at nagtutulak ng droga ay mga salot sa lipunan.

Ayon sa kanya, hindi ito ang tamang Kristiyanong paraan ng pagharap sa krimen, lalo na kung ito ay may kinalaman sa mental health.

Baka Bet Mo: Mga celebrity na nag-eendorso ng online sugal binanatan ni Bishop Pablo David 

“There is a reason why they spend time on drugs, alcohol, and other reasons like online gambling. And other even resort to committing crime,” pahayag ni David na iniulat ng INQUIRER.

“Sometimes, the reason is they’re going through something,” dagdag pa niya.

Matatandaang isa si Cardinal David sa matinding bumatikos sa war on drugs sa ilalim ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan libo-libong buhay ang nasawi.

Binigyang-diin din ng kardinal na likas sa tao ang kabutihan, ngunit hindi maiiwasan na paminsan-minsan ay nagkakamali rin.

“Part of our principle as Christians is the principle that the Lord created no evil person in nature, that’s why we don’t have the right to call someone evil in this world, no matter how bad that person has done,” paliwanag ni David.

“That’s why loathe the sin or the mistakes, and not the ones who committed them,” sey niya.

Samantala, nanawagan din ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pamamagitan ng pastoral letter para sa agarang aksyon laban sa online gambling. 

Ayon sa kanila, isa itong “moral and public health crisis” na sumisira sa maraming tao at pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hinimok ng CBCP ang publiko na maging pag-asa para sa mga biktima at manindigan laban sa online gambling.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending