Zubiri umaasang mababanggit ni PBBM sa SONA ang online gambling

ILANG linggo na lang, gaganapin na ang pang-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos!
Ayon kay Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri, umaasa siyang tatalakayin ng presidente ang online gambling.
Idiniin din ng senador na napakahalagang marinig ng sambayanan ang posisyon ng Punong Ehekutibo ukol dito.
Baka Bet Mo: Jennylyn Mercado nagbabala sa kumakalat na fake online gaming ad
Hiniling pa ni Sen. Migz na atasan ni Pangulong Marcos ang mga kinauukulang ahensya na pag-aralan ang mga masamang epekto ng online gambling kumpara sa kinikita ng gobyerno.
Ibinahagi pa ni Zubiri na ilan sa mga may-ari ng online gambling sa bansa ay kilalang malapit kay Marcos Jr.
Aniya, marami na ang bumagsak at lulong sa online gambling at sabay na ibinahagi ang isang menor de edad sa Bukidnon na nagpakamatay dahil natalo ng P100 sa online sugal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
