Barbie Forteza ‘di masyadong nasaktan sa break up nila ni Jak Roberto

AMINADO ang Kapuso actress na si Barbie Fortez na hindi siya masyadong nasaktan sa paghihiwalay nila ng kapwa Kapuso star na si Jak Roberto.
Sa kanyang naging panayam sa actress-host na si Toni Gonzaga, nausisa siya sa kung paano siya dumaan sa proseso ng healing matapos ang recent breakup.
“Masaya, smooth. Yung transition, it wasn’t as painful as some people painted it to be,” saad ni Barbie.
Pagpapatuloy niya, “It’s not as painful. It wasn’t actually.”
Baka Bet Mo: Jameson Blake umamin na sa tunay na relasyon nila ni Barbie Forteza
Kuwento pa ni Barbie, kaya naging maayos ang kanyang healing process ay dahil sa pagiging healthy ng kanilang relasyon.
“It just goes to show how healthy the relationship was. Tiningnan namin siya as for the growth din talaga ng bawat isa,” sey ng aktres.
Ani Barbie, masaya ang naging relasyon nila ng aktor sa kabila ng pagtatapos nito.
Marami ring mga bagay na natutunan ang aktres mula sa kanilang pitong taong relasyon nilxa ni Jak gaya na lang ang kahalagahan ng pagkakaroon ng “me time”.
“Kahit na may karelasyon ka, always make time for yourself. Always make time to spend it with yourself. Magkaroon ka ng me time,” lahad ni Barbie.
Sa pagkakaroon raw kasi ng oras para sa sarili ay nagkakaroon ka ng pagkakataon na i-build st mas makilala pa ang sarili.
Sa ngayon ay nananatiling single si Barbie at ini-enjoy ang kanyang oras sa pagmamahal sa sarili at pakikipag-bonding sa kanyang mga kaibigan at pamilya.
Bago ang pagpapalabas ng vlog ay nali-link ang Kapuso actress sa kasamahang si Jameson Blake ngunit ayon sa huli ay friends lamang sila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
