Jameson Blake umamin na sa tunay na relasyon nila ni Barbie

Jameson Blake umamin na sa tunay na relasyon nila ni Barbie Forteza

Therese Arceo - July 05, 2025 - 08:37 PM
Jameson Blanke umamin na sa tunay na relasyon nila ni Barbie Forteza

NAGSALITA na ang aktor na si Jameson Blake tungkol sa kung ano ang namamagitan sa pagitan nila ng Kapuso star na si Barbie Forteza.

Maraming netizens ang curious kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa matapos ang mga sunud-sunod na pag-viral ng interaction nila together.

Sa latest episode ng “Showbiz Update” ni Ogie Diaz ay diretsahang tinanong ng talent manager si Jameson kung ano ba talaga ang meron sa kanila ni Barbie.

Tumugon naman ang aktor sa pamamagitan ng isang text message.

Baka Bet Mo: Jameson Blake ibinuking si Barbie Forteza: Hindi siya boring!

“Honestly, we are not together. The reason why nahuli kami holding hands kasi andaming tao no’ng nagpa-picture sa kaniya,” paliwanag ni Jameson.

Aniya, inaalalayan lamang niya si Barbie dahil baka dumugin na ang aktres.

“I was just assisting her palabas. Gets ko naman people will think different. […] Kumbaga, crowd control ako that time. Inaalalayan ko lang si Barbie,” pagpapatuloy niya Jameson.

Kaya naman sinabihan ni Ogie ang mga netizens na huwag nang bigyan ng malisya ang friendship ng dalawa.

Matatandaang unang inintriga ng netizens sina Jameson at Barbie matapos silang makitang sweet at malapit sa naganap na ‘Lights, Camera, Run! (Takbo Para Sa Pelikulang Pilipino)’ noong May 11.

Mas lalo pang umingay ang pang-iontriga sa dalawa matapos silang maispatang magkahawak kamay nang may magpa-picture sa kanila sa isang fun run.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending