Pauleen, Yasmien, Rocco, Jolo nagluksa sa pagpanaw ni Lolit Solis

NALUNGKOT ang maraming celebrities nang mabalitaang pumanaw na ang batikang kolumnist at talent manager na si Lolit Solis.
Kaya naman, kanya-kanya sila ng pagpupugay na ibinandera sa kanilang social media pages.
Magugunitang binawian ng buhay si Manay Solis nitong July 3 sa edad 87 dahil sa kidney disease.
Pauleen Luna
Sa Instagram, ibinahagi ni Pauleen ang ilang convo nila ng talent manager sa nakalipas na taon.
Ang caption niya riyan, “I wish the world saw you how your alagas saw you. A mother, a protector, a fighter and someone who is very loyal,” bungad niya.
Baka Bet Mo: Lolit Solis inatake ng anxiety nang maospital: Hopeless, helpless, weak ka
Patuloy pa ng celebrity mom, “Hindi ka man magaling sa iyong mga salita, ang puso mo naman ay nagsusumabog sa pagmamahal. Hindi ito halata, it took me a while to see it, to feel it, to understand it… kakaiba ka talaga.”
Chinika din ni Pauleen ang pagiging bukas-palad ni Solis at kung paano niya binuksan ang kanyang mga pintuan hindi lamang sa kanyang mga talento, kundi pati na rin sa mga nangangailangan.
“You are family Nanay. Twenty years with you is not enough. It breaks my heart that you have left us but I find comfort in the fact that you are now happy, at peace and pain free,” wika niya.
Mensahe pa niya, “Til we meet again, Nanay. Mahal na mahal din kita.”
Yasmien Kurdi
Tulad ni Pauleen, shinare din ni Yasmien ang screenshots ng kanilang text messages, pati na rin ang ilang picture nila together.
Para sa Kapuso actress, si Manay Lolit ay higit pa sa pagiging manager niya sa loob ng sampung taon.
Nagsilbi raw iting ikalawang nanay niya hanggang sa siya ay ikasal at magkaroonnng sariling pamilya.
“Thank you, Nanay Lolit, for all the love, guidance, and beautiful memories. You will forever hold a special place in my heart. My family and I love you so much. Rest peacefully, and may you find the eternal happiness you deserve,” sambit ni Yasmien.
Jolo Revilla
Tulad ng kanyang ama, taos pusong pasasalamat din ang ibinandera ni Jolo Revilla para sa yumaong talent manager.
Si Manay Lolit din kasi ang naging manager niya noong siya ay nasa showbiz industry pa.
“Lubos po kami nagdadalamhati sa iyong pagkawala. We will miss you nanay, mahal na mahal ka naming,” sambit ni Jolo.
Rocco Nacino
Inalala naman ni Rocco Nacino ‘yung mga panahong naniwala sa kanya si Manay Solis noong siya ay contestant pa ng reality show na “Starstruck.”
“Hindi ko po makakalimutan ang lahat ng pinayo ninyo sa akin noong nagsisimula palang po ako. We love you, Manay Lolit. Rest in peace,” pagbabahagi niya sa FB.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.