Lolit Solis pumanaw na sa edad 78; showbiz industry nagluluksa

PUMANAW na ang talent manager, TV host at veteran entertainment columnist na si Lolit Solis. Siya ay 78 years old.
Kinumpirma ng pamilya ni Manay Lolit sa pamamagitan ng radio host at veteran entertainment columnist na si Gorgy Rula ang malungkot na balita sa Facebook ngayong umaga, July 4.
“Our beloved Manay Lolit Solis has peacefully joined her Creator last July 3, 2025.
“Manay Lolit leaves behind a loving family and many friends who will always cherish her memory.
“We remember Manay Lolit as a feisty and staunch loyal supporter, manager and friend.
“We love you our dearest Manay, you will forever be in our hearts.
“Rest well now in the loving embrace of our Lord.”
Nakiramay din ang dating aktor at Cavite 1st district Rep. Jolo Revilla ang malungkot na balita sa pamamagitan ng social media. Kalakip ang litrato ng namayapang talent manager ang kanyang mensahe ng pamamaalam.
“Rest in Peace Nanay Lolit Solis. Salamat sa lahat ng pagmamahal at pagsuporta mo sa aming buong pamilya lalo na kay papa.
“Salamat sa pagaalaga mo sa akin noong ikaw ay tumayo bilang aking manager noong ako ay artista pa.
“Lubos po kami nag dadalamhati sa iyong pagkawala. We will miss you nanay, mahal na mahal ka namin.”
Nauna rito, nag-post din ang veteran actor at dating Child Wonder na si Niño Muhlach sa Facebook ng larawan ni Manay Lolit na may caption na, “Paalam, Nanay Lolit Solis.”
Bago tuluyang mamaalam, nakapag-post pa si Manay Lolit sa Instagram tungkol sa naramdamang anxiety matapos magkasakit at maospital.
“Talagang hindi ko akalain at my age du’n pa ako mako confined at magkakasakit. Nagkaruon nga tuloy ako ng anxiety attack dahil hindi ko akalain na at my age mahihiga ako sa hospital bed.
“Medyo hindi ako talaga sanay sa hospital scenario kaya culture shock para sa akin ang mga nangyayari. Everytime I wake up in the morning shock ako na nasa ibang kuwarto ako. Kaya nga minsan gulat ako paggising.Kaya tuloy parang at a lost ako tuwing gigising.
“I feel like crying pero wala na akong magagawa.
“Ang hirap pala ng maysakit. Hopeless, helpless, weak ka. Para bang hindi mo alam where and what to do. I feel it was already late for me para magkaruon ng ganitong episode sa buhay. Pero alam mo naman si GOD alam niya when or where ibibigay sa iyo ang mga bagay.
“So grateful na ngayon older na ako nangyari ito. Meron na ako ng pasensiya at wisdom na tanggapin mga bagay. I feel sad, weak, but hopeful. Wishing na sana gumaling ako agad at maging active uli.
“I love life. I love my works. I love my friends.I live life like everybody else. But if being sick is a sacrifice I have to experience it was an eye opener for me.”
Samantala, hindi man natapos ni Manay ang kursong political science sa UP Diliman, itinuloy pa rin niya ang passion niya sa pagsusulat at pinasok ang mundo ng pamamahayag.
Nagsimula siya bilang police-beat reporter noong dekada ’70 bago nakilala bilang showbiz columnist sa isang broadsheet kung saan naging entertainment editor niya ang namayapa ring talent manager na si Douglas Quijano.
Kasunod nito, nakilala nga siya bilang matapang at palabang showbiz columnist hanggang sa maging talent manager noong dekada ’80.
Ilan sa mga sikat na artistang inalagaan niya ay sina Gabby Concepcion, Tonton Gutierrez, Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Rudy Fernandez, at dating Sen. Bong Revilla.
Naging host din siya sa mga TV show na “Katuwaan Sa Siyete”, “Startalk” (1995–2015), at “CelebriTV” (2015–2016).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.