Regine, Zsa Zsa, Gary, Martin, Sarah, Charice, Lea gagawa ng MTV para sa Yolanda victims | Bandera

Regine, Zsa Zsa, Gary, Martin, Sarah, Charice, Lea gagawa ng MTV para sa Yolanda victims

Reggee Bonoan - November 26, 2013 - 03:00 AM


May mala-“We Are The World” project pala ang mga sikat na singer ng bansa sa pangunguna nina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Christian Bautista, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Martin Nievera, Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Charice, Lea Salonga at marami pang iba para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda – ang magiging piyesa nila ay ang “The Prayer”.

Kuwento mismo sa amin ng taga-GMA ay hinayang na hinayang siya para sa alaga nilang si Julie Anne San Jose dahil hindi pinayagan ng management na sumali sa nasabing project ng mga sikat na singer.

Sa totoo lang bossing Ervin, ginu-Google talaga namin kung sino si Julie Anne San Jose kasi hindi namin siya kilala, hindi pa rin kasi namin siya naiinterbyu simula nang mag-umpisa kaming maging reporter/kolumnista.

At nalaman naming bagets pa pala siya, 19 years old, at nag-aaral sa Angelicum at siya pala ‘yung naging bida sa pelikulang nag-flop na “Just One Summer”.

Naloka kami dahil bakit tumanggi ang GMA, e, pagkakataon na nga ng alaga nilang mapabilang sa mga sikat na singer?
“Nakakahinayang, di ba? Imagine, mapapasama siya sa mga sikat, e, admittedly, hindi naman sikat pa itong alaga namin, ewan ko kung anong plano rin ng GMA sa kanya,” katwiran ng taga-Siyete.

E, wala kaming masabi sa kuwentong ito tungkol kay Julie Anne dahil hindi naman siya kawalan. Ano nga ba ang project niya ngayon sa GMA?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending