Ryan tumitingin pa rin sa ibang babae: Kasal ako, hindi ako bulag! | Bandera

Ryan tumitingin pa rin sa ibang babae: Kasal ako, hindi ako bulag!

Ervin Santiago - November 23, 2013 - 03:00 AM


Naniniwala kami na meron talagang mga taong gustong wasakin ang magandang pagsasama nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, sila ‘yung mga taong inggit na inggit kapag nakakakita ng isang masaya at buong pamilya.

Kahit na ilang beses nang itinanggi nina Juday at Ryan na on the rocks ang kanilang relasyon, ay hindi pa rin tumitigil ang mga tsismis.

Ayon kay Ryan nagtataka nga raw siya kung bakit ayaw silang tantanan ng ganitong in triga, “Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.

“Pero sa ngayon, sabi nila, maganda yung napag-uusapan dahil kung hindi ka napag-uusapan, hindi ka napagtsi-tsismisan, doon ka magtaka. So, ganoon na lang ang reaksiyon ko.

“Pero kasi, hindi naman kami apektado sa bahay. So, para sa akin ang tsismis, para sa ibang tao, hindi para sa akin,” paliwanag ng TV host-actor sa press na bumisita sa taping ng bago niyang game show sa GMA 7 na nagsimula na last Saturday.

Pero tumitingin pa rin ba siya sa ibang babae pag may time? “Definitely!” pag-amin ni Ryan. “Hindi naman ako magsisinungaling—kasal ako, hindi ako bulag,” ngiting chika pa ng TV host.

Paano ba niya iniiwasan ang mga tukso at mapanatili ang pagiging faithful niya kay Juday? “I don’t know, one look at my wife and that’s good. Makakita ka ng magandang babae sa daan, pag-uwi ko, mas maganda yung akin.

“Sa rami ng billboards ni Juday, sa rami ng mukha ni Juday sa daan na nakikita ko, kapag nagtatrabaho ako…yung commercials niya ang nakikita ko kapag commercial breaks, parang palaging may reminder, e.”

Ano nga ba ang secret sa kanilang masayang married life? “It’s an effort, it’s really a team effort. “Of course, it’s not all rosy. I’m not gonna pretend it’s perfect.

“But I’m happy that whatever’s there, anuman ang kakulangan ko, nandiyan ang wife ko na magpuna. And then, siya rin, ready rin naman akong punuan ang mga pagkukulang niya.

Pahabol pa ni Ryan, “Kaya nga maingat kami sa oras, kasi ano kami, tag team kami.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending