Piolo: Hindi ako bobo para ilagay ang sarili ko sa katatawanan!
KUNG umaasa pa kayong mapanood si Piolo Pascual sa isang pelikula na gumaganap na bading, dapat siguro huwag na – hindi na ‘yan siguro mangyayari.
Mismong si Piolo na kasi ang nagsabi na wala siyang planong tumanggap na gay roles mapa-mainstream movie man o indie film. Kahit na nga usung-uso ngayon ang pagbabakla ng mga straight actors sa TV man o pelikula, tulad nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, pati na rin nina Jake Cuenca at Joem Bascon, pero si Papa P, hindi raw makikiuso.
“Siguro hindi naman ako tanga para ilagay ang sarili ko sa sitwasyon na pagtatawanan ako at pag-iisipan ako ng hindi maganda,” ang pahayag ng Kapamilya actor sa isang interview.
Sey ni Piolo, mas gugustuhin daw niyang makaganap ng makabuluhang role kesa ang magbading, aniya, “Para hindi ko na kailangan ng isa pang intriga para sumikat pa.”
Ibig sabihin, ayaw tanggapin ng aktor ang hamon sa kanya ng ilan nating kababayan na para mapatunayan na tunay siyang lalaki, dapat daw ay pumayag na siyang gumanap na bakla.
Naniniwala raw kasi sila na ang straight guy ay secured sa kanyang pagkalalaki kaya walang problema kung gumanap man siyang beki sa isang proyekto.
Pero ano pa nga ba ang magagawa natin kung nakapagdesisyon na si Papa P, di ba? Hayaan na lang natin, respetuhin na lang natin siya.
Samantala, malapit nang mapanood ang bago niyang pelikula kasama si Toni Gonzaga, ang “Unlove You” directed by Olivia Lamasan.
At ayon kay PJ, isa ito sa mga proyektong ipinagmamalaki niya, “Gusto ko piliin ‘yung mga trabaho na tatanggapin ko.
“Actually, nagtaka nga ako, nu’ng movie with Toni ayaw ko na kasing gumawa ng romcom (romantic-comedy) pero this one naman kasi romantic drama.
And how can you say no to direk Olive Lamasan and Toni Gonzaga?” aniya pa.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.