Kathryn tuloy ang swerte, binansagan na ring 'Commercial Queen'

Kathryn Bernardo tuloy ang swerte, binansagan na ring ‘Commercial Queen’

Ervin Santiago - May 04, 2025 - 06:41 AM

Kathryn Bernardo tuloy ang swerte, binansagan na ring 'Commercial Queen'

Kathryn Bernardo, Kali Vidanes, Lulu Romero, Shae Xiaoling Yu at Joseph Cernitchez

IN FAIRNESS, tuluy-tuloy pa rin ang swerte at blessings na dumarating sa Kapamilya superstar na si Kathryn Bernardo ngayong 2025.

Bukod sa pak na pak ngayon ang pagiging judge niya sa “Pilipinas Got Talent” ng ABS-CBN, ay wala ring tigil ang kanyang sandamakmak na endorsements.

Aside from this, balitang magkakaroon din siya ng bagong acting project sa Kapamilya Network kung saan makakasama raw niya ang actor-singer at record producer na si James Reid.

Wala pa kaming confirmation tungkol sa pagtatambal on screen nina Kath at James pero yan nga ang hula ng kani-kanilang fans matapos kumalat sa social media ang plano umano ng ABS-CBN na pagtambalin sila.

Pero ang sure na sure kaki ay ang pagdami pa ng mga produkto at serbisyo na ine-endorse ni Kathryn kaya nga ang paniwala ng mga netizens, siya na ngayon ang reyna ng mga commercial sa TV man o online.

Tulad na lang ng patuloy na pagiging celebrity ambassador niya ng TCL Electronics, isa sa mga nangungunang TV brands sa buong mundo at lider sa larangan ng consumer electronics.

Muli nga nilang pinagtibay ang kanilang matatag na ugnayan bilang kanilang pangunahing endorser at brand ambassador kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-25 anibersaryo sa Pilipinas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

Ang contract signing na ginanap last January 23 sa Studio Simula ay dinaluhan ng mga pangunahing opisyal ng TCL kabilang sina Deputy Marketing Director Shae Xiaoling Yu at Brand Manager Joseph Cernitchez.

Kinatawan naman si Kathryn ng kanyang mga co-manager na sina Lulu Romero at Kali Vidanes, Account Manager ng VCM The Celebrity Source—ang ahensiyang naging susi sa matagumpay na kolaborasyong ito.

“This partnership is built on authenticity,” ani Cernitchez. “We’re thrilled to celebrate Kathryn’s third year with TCL. Her genuine connection with the Filipino audience and her influence as a trusted icon have made her a perfect fit to champion our message of ‘Inspire Greatness.’”

Nagpahayag si Kathryn ng taos-pusong pasasalamat at inilahad kung paano naging bahagi ng kanyang personal na buhay at ng maraming Filipino, ang mga produkto ng TCL.

“I’m incredibly happy to have contributed to their rise to the top. I’ve personally experienced the quality of their products and they truly make life better.  It helps me relax, bond with family, and enjoy my downtime despite my hectic schedule,” ani Kath.

Ipinunto ni Kathryn ang makabago at praktikal na disenyo ng mga produkto ng naturang brand na sumasalamin sa pang-araw-araw na pangangailangan ng modernong Filipino.

Sa ikatlong taon ng kanilang pakikipagtulungan, itinuturing na ngayon ang kanilang tambalan bilang isa sa mga pinakamatagumpay at makapangyarihang celebrity-brand collaborations sa bansa.

Muling itatampok si Kathryn sa mga bagong kampanya ng brand para sa kanilang mga pangunahing produkto.

“2025 is going to be an exciting year,” dagdag ni Cernitchez. “And having Kathryn with us, someone who embodies the spirit of greatness—is something we’re proud of. Expect bigger campaigns and even more groundbreaking products ahead.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

Sa likod ng bawat matagumpay na partnership ay isang maaasahang katuwang—at sa kasong ito, ay ang VCM The Celebrity Source.

Itinatag ni Elizabeth Alviar-Vidanes, ang VCM na kinikilala bilang isa sa mga nangungunang ahensiya sa bansa pagdating sa pagbuo ng tunay at epektibong ugnayan ng mga kilalang personalidad at malalaking brands sa bansa.

Sa kanilang malawak na karanasan sa paghahanap ng tamang brand at ambassador match, patuloy nilang binabago ang larangan ng celebrity marketing sa Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mula kina Sen. Robin Padilla at Mariel Rodriguez, Miss World Megan Young at asawang Mikael Daez, kapatid na si Emilio Daez, power couple Juancho Trivino at Joyce Pring at Kapuso actress Jasmine Curtis, hanggang kay Kathryn para sa TCL, ang VCM ay hindi lamang naghahatid ng endorsements, kundi ng mga makapangyarihang kuwento ng tagumpay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending