Ice nadalaw pa si Ricky bago pumanaw: Kahit ‘di makasalita, madaldal ka pa rin

TULAD ng karamihan sa mga artistang nakatrabaho ng namayapang premyadong aktor na si Ricky Davao, wasak din ang puso ngayon ng OPM icon na si Ice Seguerra.
Ipinagluluksa rin ni Ice pati na ng kanyang asawang si Liza Diño ang pagkamatay ng veteran actor-director dahil sa kumplikasyon ng kanyang cancer.
Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Ice ang pagiging supportive ni Ricky sa mga adbokasiya at proyekto nila ni Liza.
Baka Bet Mo: Ice Seguerra umapela sa NAIA, asawa nawalan ng gamit sa maleta
View this post on Instagram
“You’ve always been there for me and Liza. Sa kahit anong event, performance-never ka nawala.
“Siguro, kung meron akong katapat sa pagiging excited kumanta tuwing nakakakita ng mic, ikaw yun. Napakasarap mong kakwentuhan, ka-jamming, at kaibigan,” simulang mensahe ni Ice para kay Ricky.
Pagpapatuloy pa niya, “Masaya ako na nadalaw pa kita sa hospital. Kahit hindi ka na noon makasalita, madaldal ka pa rin.
“Hindi ko malilimutan yung saya mo noon nung sinabi nu’ng doctor mo na pwede ka na kumain ng chocolate.
“At yung ngiti mo nu’ng sinabi ko sa iyo na buti nag shave ka na ng buhok dahil mas pogi ka at mukha kang mas bata,” saad pa ng singer-songwriter.
Ang buong akala raw ni Ice ay bubuti pa ang kundisyon ni Ricky mula sa pakikipaglaban sa cancer, “I really thought you were going to get better.
“Na magkakaroon ulit ng time na makaka hang out ka ulit namin or makikita kong nanonood ka ng concert ko. Someday, magdu-duet tayo ulit.
“I will miss you, Tito Ricky. You’re finally home,” ang buong message ni Ice para sa namayapang kaibigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
