Masuwerteng anak | Bandera

Masuwerteng anak

Joseph Greenfield - November 23, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Aida ng Libungan,  North Cotabato
Dear Sir Greenfield,
Bata pa lang kami nang iwan kami ng nanay at tatay ko sa aming lola. Lahat ng klase ng paghihirap ay naranasan ko dahil ako ang panganay sa apat na magkakapatid at wala nga po akong kinagisnang mga magulang. Kaya nang tumuntong ako ng 18-anyos, maaga akong nag-asawa sa pag-aakalang makalalabas na ako sa kahirapan. Pero nagkamali ako. Sa halip na maging maayos ang aking buhay, lalong naging miserable. Lasenggo at iresponsable ang lalaking napangasawa ko. Inanakan lang ako nang inanaakan kaya nakipaghiwalay ako sa kanya. Ngayon, may kinakasama ako na may mga anak din. Hirap na hirap kami sa buhay kasi wala naman siyang permanenteng trabaho. Itatanong ko lang po kung may pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan? July 13, 1987 ang birthday ko.
Umaasa,
Aida ng Libungan, North Cotabato
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung hindi ikaw ang makapaga-abroad, sigurado na isa sa iyong mga anak o ang mismong mister mo ang makapangingibang bansa na magiging simula upang unti-unti kayong maka-ahon sa kahirapan.
Cartomancy:
Ten of Diamonds, Eight of Diamonds at Four of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing 10 buwan ang lilipas simula ngayon, may kakaibang pangyayaring magaganap sa inyong buhay, na magdudulot ng positibong kapalaran. Sa panahong ito, tulad ng nasabi na, sa Palmistry, kundi ang isa sa mga anak ninyo ang makapaga-abroad maaring ikaw o kaya’y ang iyong mister. Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending