Pacquiao, Mayweather fight posibleng matuloy sa Mayo | Bandera

Pacquiao, Mayweather fight posibleng matuloy sa Mayo

- August 16, 2011 - 06:59 PM
Editor’s note: Nais ituwid ng Bandera ang nauna nitong balita “Pacquiao, Mayweather fight tuloy sa Mayo”.  Posible pa lang na matuloy ang laban at hindi pa depenido.  POSIBLENG matuloy na nga ang pinakaaabangang laban ni pambansang kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao at undefeated boxer Floyd Mayweather sa susunod na taon. Ito ang kinumpirma kahapon ni Pacquiao mismo nang makausap ng mga mamamahayag sa Mababang Kapulungan. Anya, malamang na matuloy na nga sa Mayo, 2012 ang kanilang laban ni Mayweather. “Malaking possibility na matuloy yung fight next year.  Okay naman walang agrabyado sa aming dalawa,” ayon sa pambansang kamao. Gayunman, mas pagtutuunan muna niya ng pansin at pag-eensayo ang kanyang laban sa Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 12. Naniniwala rin anya siyang nakatuon naman ang pansin ni Mayweather sa magiging laban nito kay Victor Ortiz sa Setyembre 17. “I will start training for my fight with Marquez next month in Baguio. Then, itutuloy ko ang training ko sa US,” ani Pacquiao.

Sinabi rin ni Pacquiao na ayaw muna niyang pag-usapan kung magkano ang inaasahang kikitain nila sa naturang laban na matagal nang hinihintay na magkatotoo ng publiko. – Leifbilly Begas 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending