PACQUIAO MAS GUTOM KAY RIOS | Bandera

PACQUIAO MAS GUTOM KAY RIOS

Mike Lee - November 21, 2013 - 07:26 PM

KUNG may isang malinaw na mensaheng ipinarating si Manny Pacquiao kay Brandon Rios nang sila ay nagkaharap sa press conference, ito ay ang kanyang pagnanais na makatikim ng panalo uli.

“Brandon Rios is saying he’s hungry to win this fight and I’m also saying I’m hungry to win this fight because I’ve been losing twice last year,” wika ni Pacquiao.

Matatandaan na walang naipanalo si Pacquiao sa laban noong 2012 laban kina Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez.
Ipinalasap pa ni Marquez ang pinakamasakit na pagkatalo sa kanyang career nang matulog siya sa laban sa ikaanim na round.

Paglalabanan nina Pacquiao at Rios ang World Boxing Organization international welterweight title sa Linggo sa Cotai Arena ng The Venetian Hotel sa Macau, China.

Noon pang nasabi ni Pacquiao na ang training camp sa General Santos City ang siyang pinakamagandang camp na kanyang ginawa sa mga nagdaang taon at ang pakiramdam niya ay tila nagsisimula lamang siya sa pagbo-boxing dahil naroroon ang gigil para lumaban at manalo.

Tinuran din ng natatanging eight-division world champion na si Pacquiao na hindi lamang pansariling tagumpay ang hanap niya kay Rios dahil nais din niyang pasiyahin ang mga kababayang nasa Visayas na nagpipilit na bumangon matapos tamaan ng super typhoon Yolanda.

“To all the people and families who were affected by the storm, this fight is for you!” pagdidiin ng Kongresista ng Sarangani Province.

Tumugon naman si Rios ng kanyang kahandaan na patunayan sa lahat na hindi siya madaling laban tulad ng sinasabi ng nakararami.

“I’m nobody’s sparring partner. I’m nobody’s punching bag. I’m a monster. On Sunday, a new star is on the rise,” pahayag ni Rios.

Bago ang pulong pambalitaan ay nagkaroon muna ng gulo sa panig ng mga trainers nina Pacquiao at Rios na sina Freddie Roach at Robert Garcia na nauwi pa sa pagsipa ng dating strength and conditioning coach ni Pacman na si Alex Ariza.

Si Ariza ay nasa kampo na ni Rios matapos patalsikin ni Roach.

Nag-ugat ang kaguluhan nang nainis si Roach kay Garcia nang ayaw nitong umalis sa gym kahit tapos na ang oras nila.

Pero hindi na nagkomento pa sa bagay na ito si Pacquiao dahil nakakasira umano ang ganitong pangyayari sa sport.

“Let everybody finish in the ring and no trash talk. It’s not a good example for all the people that are admiring boxing,” wika pa ni Pacquiao.

Hindi naman na nagkaproblema ang paggamit ng gym kahapon dahil 15 minuto bago natapos ang pagsasanay ng Team Pacquiao ay nilisan na nila ang venue.

Ang laban ay handog ng Top Rank at si Pacquiao ay nakatakdang tumanggap ng guaranteed prize na $18 milyon habang si Rios ay babayaran ng $4 milyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pa rito ang parte nila sa Pay Per View at tinatayang madodoble ang makukuhang pera ni Pacquiao sa laban.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending