Angeline Quinto nagparetoke uli, kinopya na ang mukha ni Regine!? | Bandera

Angeline Quinto nagparetoke uli, kinopya na ang mukha ni Regine!?

Alex Brosas - November 21, 2013 - 03:00 AM


In this time of grief as many of our kababayans fell victims of the disastrous Yolanda typhoon ay marami pa rin ang nakakaisip na i-bash ang mga celebrities.

Parang palaging kinukuwestyon ang mga ginagawa nilang charities, mga pagtulong sa mga Yolanda victims. Hinahanapan sila palagi ng butas, palaging me nasasabi sa kanila ke tumulong sila o hindi.

With that ay nakiusap ang Songbird na si Regine Velasquez na tigilan naman sana ang pamba-bash sa mga kapwa niya artista. Hindi nga naman magandang tingnan na lahat na yata ng motibo ng isang celebrity na ang layunin lang naman ay makatulong ay pilit pa ring hinahanapan ng butas.

On her Instagram, Regine made this plea: “Para po sa mga minamahal naming BASHERS; puwede po bang magpahinga po muna kayo? Kahit ngayon lang po bilang lahat tayo ay may pinagdadaanan.

Patawad na muna po sa NEGA comments total nakikitingin lang naman po kayo diba. Wala po munang basagan ng trip.”
That said, sana nga’y manahimik na ang mga walang magawa kundi ang manira ng mga celebrity sa social media.

Still on Regine, nagulat kami nang makita namin sa isang website ang photo ni Angeline Quinto. Sa unang tingin kasi ay kamukha-kamukha siya ni Regine. Parang gayang-gaya niya ang hitsura at pose ng Songbird dati.

Marami nga ang nag-akala na si Regine ‘yon at hindi si Angeline. Sa unang tingin talaga ay masasabi mong ang dyowa ni Ogie Alcasid ang iyong nakita pero hindi naman.

Ano ‘to, another case of gaya-gaya? Sinadya nga bang magpakuha ni Angeline nang kamukha sa previous pictorial ni Regine? Siya ba ang may idea o ang kanyang photographer?

O, baka nagparetoke talaga si Angeline at kinopya na ang mukha ng Songbird? With this, lalo lang siyang nawalan ng identity.
Yan ang lamang ni Sarah Geronimo kay Angeline, at least ngayon meron ng sariling identity ang Pop Princess, at hindi na niya kailangang manggaya para mapansin.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending