Philmar Alipayo wala nang ‘224’ tattoo, pinatungan ng bagong design

Philmar Alipayo wala nang ‘224’ tattoo, pinatungan ng bagong design

Philmar Alipayo

MULING naging usap-usapan sa social media ang Siargao-based surfer na si Philmar Alipayo!

Napansin kasi ng maraming netizens na nawala na ang matching tattoo nila ng girl bestfriend na si Pernilla Sjoo.

Sa Instagram Story ng fiance ni Andi Eigenmann, makikitang may ni-reshare siyang picture kasama ang isang kaibigang lalaki.

Pareho pa nga silang shirtless at kitang-kita ang mga tattoo sa katawan.

At diyan nga naging agaw-pansin na tila pinatungan o tinakpan ng bagong disenyo ang dating “224” tattoo ni Philmar sa braso.

Baka Bet Mo: Philmar naka-1 million followers na sa FB, hirit ng netizens: ‘Dahil sa 224!’

Philmar Alipayo wala nang ‘224’ tattoo, pinatungan ng bagong design

Magugunitang sunod-sunod ang mga pasabog ni Andi hinggil sa estado ng relasyon nila ni Philmar matapos mapansin ng maraming netizens na in-unfollow nila ang isa’t-isa sa IG.

Base sa mga posts ng celebrity mom, ang ikinagalit niya ay ‘yung pagpapa-couple tattoo ng surfer at ‘nung bestfriend nitong babaeng dayuhan na hindi man lang siya kinunsulta.

Makikita sa post ni Pernilla ang “224” tattoo nila ni Philmar na ang ibig sabihin ay “Today, Tomorrow, Forever.”

Gayunpaman, nilinaw ni Andi na hindi nag-cheat sa kanya si Philmar, kundi ang nasabing dayuhang babae ang nagtaksil sa kanya.

Sa ngayon ay okay na ang couple at mukhang nagkabati na, lalo na ‘nung Valentine’s Day na kung saan ay sinorpresa pa ni Philmar si Andi ng isang bouquet na gawa sa mga pinitas na dahon at bulaklak, pati puso ng saging.

Sina Andi at Philmar ay na-engage noong 2020 at may dalawang anak na sina Lilo at Koa.

Read more...