Chinese na nanipa ng pusa timbog, papalayasin na sa Pilipinas

Chinese na nanipa ng pusa timbog, papalayasin na sa Pilipinas

PHOTO: Facebook/CARA Welfare Philippines

MAY bagong update sa viral Chinese na nakapatay umano ng pusa sa Ayala Triangle Gardens sa Makati City.

Matapos ireklamo ng non-profit animal organization na CARA Welfare Philippines, ang nasabing dayuhan ay dinakip na ng immigration officers.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI) nitong Huwebes, March 13, inaresto nila si Jiang Shan, 32, sa harap ng kanyang tinitirhan sa Barangay Palanan dahil sa kasong “overstaying.”

Natuklasan ng mga awtoridad na dumating sa ating bansa ang Chinese national bilang turista noong May 2023 at hindi na nito na-extend ang visa mula September 2023.

Baka Bet Mo: 70 na ang alagang aso’t pusa ni Jona sa bahay; gumagastos ng P70k kada buwan

“Jiang was unable to present any documentation to the arresting agents,” sey ng ahensya sa ulat ng INQUIRER.

Dagda pa niya, “He was immediately taken into custody, booked, and transferred to the BI’s facility in Bicutan, Taguig, while he faces his deportation case.”

Ayon sa Facebook post ng nasabing organisasyon noong March 6, ang pusa ay nagpapahinga sa parke nang bigla itong sipain ng isang Chinese.

“When confronted and brought to the barangay, the man was arrogant and refused to provide his address,” sey ng grupo sa naturang post.

Base sa CCTV footage noong January 4, sinabi ng grupo na tila ikinamatay ng pusa ang malakas na pagsipa.

Binigyang-diin ng CARA na malinaw na paglabag ito sa Republic Act (RA) No. 8485 o o Animal Welfare Act of 1998 na kung saan may kaukulang parusa sa anumang gawaing may kinalaman sa pagmamalupit, pang-aabuso, at pagpatay ng hayop.

Dahil sa nangyari, nagpaalala si BI Commissioner Joel Anthony Viado sa foreign nationals na respetuhin ang batas ng Pilipinas habang nasa bansa.

“Filipinos are known to be very hospitable to our guests,” sey ni Viado.

Aniya pa, “But guests should not come to our houses kicking our pets. His cruel action led to the BI conducting checks on his records, and now he’s detained to be deported.”

Read more...