
PHOTO: Instagram Stories/@sunshinecruz718
MUKHANG nagiging mas bukas na ang sexy actress na si Sunshine Cruz pagdating sa kanyang buhay pag-ibig!
Trending kasi ngayon sa social media ang pagbabandera niya sa picture nila ng business tycoon na si Atong Ang na makikita sa Instagram Stories.
Ito ang unang beses na ipinost ni Sunshine si Atong sa mismong page niya.
Walang caption, pero makikita sa picture na ngiting-ngiti ang dalawa na komprtableng magkatabi at tila nakasakay sa isang helicopter.
Baka Bet Mo: Cesar sa pag-amin ni Atong Ang na dyowa si Sunshine: ‘Saludo ako!’

PHOTO: Instagram Stories/@sunshinecruz718
Kung matatandaan, taong 2024 nang unang lumitaw ang mga chismis na may “something” sa pagitan nina Sunshine at Atong matapos maispatan na magkasama sa isang event.
Lalong naging usap-usapan ang dalawa matapos kumalat ang kissing video nila na pinagpiyestahan ng maraming Marites.
At kasunod nga riyan ay ang pagkumpirma ng businessman na girlfriend niya si Sunshine, base sa ulat na ibinandera ng news anchor na si Pinky Webb sa programang “Agenda” sa Bilyonaryo News Channel noong December 17.
Maaalalang taong 2013 nang hiwalayan ni Sunshine ang dating asawa na si Cesar Montano at napawalang-bisa ang kanilang kasal noong 2018.
After niyan ay nagkaroon ng six-year relationship ang aktres sa politician na si Macky Mathay bago mag-break noong 2022.
Samantala, si Atong ay na-link dati sa isa pang aktres na si Gretchen Barretto na palagi niyang kasama noon sa pagsasabong.
Ngunit walang naging kumpirmasyon o pagde-deny ang dalawa kung nagkaroon din ba sila ng relasyon.