Bagong drama ni Claudine wa epek sa bagsik ni Yolanda | Bandera

Bagong drama ni Claudine wa epek sa bagsik ni Yolanda

Cristy Fermin - November 20, 2013 - 03:00 AM


Maling-mali sa tiyempo ang mga pagbabait-baitan ni Claudine Barretto. Sinabi niya na nami-miss na raw niya si Marjorie at ang mga anak nito, senyal ng pagpapakumbaba, pero hindi gaano bumenta ang kanyang pahayag.

Parang hangin lang ‘yun na dumaan para sa mga kababayan natin, hindi man lang binigyan ng espasyo sa kanilang atensiyon, dahil mas nakatunghay ngayon ang mga kababayan natin sa mga sinalanta ng bagyong si Yolanda sa Kabisayaan.

Kung ang Pork Barrel Queen nga na si Janet Napoles ay kumain ng alikabok kay Yolanda, ang pagbabait-baitan pa kaya ngayon ni Claudine ang makakaiskor, malayong mangyari ‘yun.

Pagkatapos nga nang napakahabang itinakbo ng teleserye ng mga Barretto ay heto ngayon si Claudine at parang nahimasmasan, parang bigla niyang naisip na mas maganda kung magkasundo-sundo na silang magkakapatid, kaya sinabi niya na nami-miss na niya ngayon si Marjorie at ang kanyang mga pamangkin.

Si Marjorie lang ang binanggit ni Claudine, hindi kasama si Gretchen sa nami-miss niya, matagal na panahon pa nga siguro ang kailangang lumipas bago ‘yun masabi ng bunsong Barretto.

Sayang ang pagkakataon, kung bakit naman kasi sumabay ang kanyang deklarasyon sa kasagsagan ng isyu tungkol sa mga winasak na pamumuhay at pangarap ng super typhoon, weder-weder din pala pati ang mga ganu’ng pagpapakumbaba.

Kung kilala nga namin si Gretchen ay wala itong pakialam sa mga pinagsasabi ni Claudine, pakialam ba ni La Greta tungkol du’n, mas kayang sabihin ng aktres na hindi nito kailangan ang pagbabait-baitan ng kanyang kapatid.

Pero magandang senyal ang ginawa ni Claudine, ibig sabihi’y pinahahalagahan pa rin niya ang kanyang pamilya, huli man ay mas maganda pa rin ang kanyang ginawa kahit pa natabunan ‘yun ng mga kuwentong Yolanda.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending