Moi Bien na-in love nga ba at pinagnasahan ang among si Piolo?

Moi Bien na-in love nga ba at pinagnasahan ang among si Piolo?

Piolo Pascual at Moi Bien

NAGKAGUSTO at pinagpantasyahan din ba ng komedyanang si Moi Bien ang kanyang amo na tinaguriang Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual?

Isa iyan sa mga tanong na sinagot ni Moi nang mag-guest siya sa cooking talk show ng GTV, ang “Lutong Bahay” hosted by Mikee Quintos.

Bukod pa diyan, nagpakatotoo rin si Moi Bien sa pagsagot nang diretsahan siyang tanungin kung sino sa mga naging ex-girlfriend ni Papa P o mga artistang na-link sa aktor ang pinakagusto niya.

Una niyang sinagot ang question ni Mikee kung na-in love rin ba siya kay Piolo dahil napakatagal na rin niyang  kasama ang aktor bilang personal assistant.

“Hindi eh,” ang mabilis na sagot ni Moi. Ang palagi raw niyang sinasabi sa kanyang sarili, “Hindi ka maganda, girl. Huwag kang ano ano diyan.”

Baka Bet Mo: Moi Bien nagulat sa sampal ni Pilar Pilapil kahit rehearsal pa lang: Ang sakit!

Sa totoo lang daw, parang isang tunay na kapatid talaga ang turing niya kay Piolo, “‘Yung love ko parang kapatid. Hindi nga boss e kasi minsan nakakapagsalita ako.

“Kasi siyempre nag-aaway kami. Text lang. Hindi kami nagkikibuan. Parang magdyowa, ‘di ba?” ang natawang chika ng komedyana.


Pero kadalasan ay siya rin daw ang sumusuyo kay Piolo kapag meron silang  tampuhan at hindi pagkakaintindihan ng kaniyang amo.

“Pinapipiktyuran ko ‘yung sarili ko na umiiyak ako, bini-video ko. Sabi ko, ‘Pinagsasabihan mo ako. Nasaktan ako.’ Ganoon as in. Tapos natatawa na lamg siya. Okay na kami,” sey ni Moi.

At sa tanong nga kung sino sa mga naging ex ni Papa P na si KC Concepcion, Rica Peralejo, Pops Fernandez, Rica Paralejo at Shaina Magdayao ang pinakagusto ni Moi, ni-rank na lamang niya ang mga ito base sa pagkakakillala niya.

Number one para sa kanya si Rica, sumunod si Shaina, ikatlo si KC at panghuli si Pops.

Read more...