Jam Ignacio nag-Japan matapos humarap sa NBI dahil sa kaso ni Jellie Aw

Jam Ignacio at Jellie Aw
TOTOO nga kayang pagkatapos magpunta sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng reklamo ni DJ Jellie Aw ay lumipad agad patungong Japan si Jam Ignacio?
Iyan ang usap-usapan ngayon ng mga netizens sa social media matapos mag-post si Jam (dating dyowa ni Karla Estrada) sa Instagram ng mga bago niyang litrato.
Makikita sa Instagram Stories ni Jam nitong nagdaang February 22, ang ilang photos na kuha sa umano’y paglabas niya ng bansa.
Isa na rito ang litrato ng isang pakpak ng eroplano at sinundan pa ng picture ng train station sa Keihin-Tohoku Line. Ito ang nag-uugnay sa Saitama, Kawaguchi, Tokyo, Kawasaki, at Yokohama sa Japan.
May mga ipinost din si Jam sa IG ng mga lafang na in-order niya habang naglalamiyerda sa Japan, ang ramen at gyoza.
Baka Bet Mo: Jellie Aw humugot sa mga babaeng na-trauma after mag-sorry ni Jam
Comment ng mga netizens, nagawa pa raw talagang magpunta at magbakasyon ni Jam sa Japan sa kabila ng kinasasangkutang kontrobersya kaugnay ng ginawa niyang pambubugbog sa kanyang ex-fiancée na si Jellie Aw.
Pero may mga nagsabi naman na baka raw late post lang ang ibinahagi ni Jam at hindi naman talaga siya lumabas ng bansa matapos personal na magtungo sa NBI noong February 21, 2025.
View this post on Instagram
Nakipag-usap si Jam kay NBI Director Jaime Santiago sa tanggapan nito dahil hindi nga siya nagpunta sa itinakdang araw ng ahensiya matapos magsampa ng reklamong physical abuse si Jellie Aw.
Ayon sa ulat, magsasampa ng kaso ang NBI sa husgado kaugnay ng nangyari kay Jellie kung saan inaasahang magpa-file naman ng counter-affidavit si Jam.
Nauna rito, nagsalita rin ang abogado ni Jam na si Atty. Oscar Karaan hinggil sa kaso, “We already sent a letter to the NBI that my client will no longer appear during the hearing to be conducted by the NBI.
“The NBI can just refer the matter to the appropriate fiscal’s office with jurisdiction over the case and then we’ll answer the case that will be filed against my client.
“My client, he is trying to mend with his girlfriend para sana ma-settle ito out of court or out of the fiscal’s office para hindi na humaba kasi pinagpipiyestahan sila sa social media.
“Hindi naman kailangan umabot sa ganung sitwasyon. Dahil usapin ito na puwede naman nilang i-settle between themselves,” sabi pa ng abogado.ni Jam.
Nanindigan naman si Jellie na hindi na matutuloy ang wedding nila ni Jam matapos ang ginawa nitong pananakit sa kanya.
“Wala na pong kasal na magaganap o matutuloy yung mga napag-usapan namin dahil po sa nangyari. Hindi po puwedeng napuno lang siya, e.
“Paano na lang po kapag pinagbigyan ko pa siya ng second chance, paano kung napuno po siya sa akin ulit, gagawin po niya ulit yon, mas grabe pa?” saad pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.