
PHOTO: Facebook/Carlos Agassi
Trigger warning: Mention of suicide, depression.
NAG-OPEN up ang dating aktor na si Carlos Agassi patungkol sa relasyon nila ngayon ng dating kagrupo na The Hunks na sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo at Bernard Palanca.
Ito ay sa pamamagitan ng ibinandera niyang TikTok videos kamakailan lang na kung saan ay sinagot niya ang ilang questions ng netizens.
Isa na riyan ‘yung tanong kung nagkikita pa sila ng dating kagrupo.
Hindi nagbigay ng pangalan si Carlos, pero ang paliwanag niya: “Kaya nga nabuwag kasi gusto ng kanya-kanyang career ‘yung iba. Kasi pag group, pantay-pantay kami sa lahat eh –sa exposure, sa TF (talent fee), sa career. So para makaangat ‘yung iba, nabuwag.”
Baka Bet Mo: Carlos Agassi nagkadyowa dahil sa ‘dating app’: Nu’ng nakita ko siya, sabi ko, ‘Wow ang ganda niya!’
Naalala pa niya nu’ng inoperahan siya dahil sa knee injury matapos ang paglalaro ng basketball noong 2022.
“Wala, wala na talaga. Kahit nga napilayan ako, walang nag-check sakin. Pero hindi masama ‘yun. Okay lang, ganun talaga ang buhay,” sey niya.
Nabanggit din niya ‘yung time na nasa US pa siya kung saan nagkaroon noon ng concert ang isang dating miyembro ng The Hunks at nu’ng inalok siyang mag-guest ay libre lang niya itong ginawa.
“Nako hindi, brother kita, kuya ko kayong lahat, ako ang pinakabata eh, tara walang bayad, I’ll do it for you my bro,” sabi raw niya dati.
Pero nu’ng siya na raw ang humingi ng favor ay dinedma lang siya ng mga minessage niya at nag-seen lang sa kanya.
“Tapos ito na, gumawa ako ng ‘Milk Tea,’ marami akong minessage para lumabas sa music video –seen!” chika ni Carlos.
Naikuwento rin ng dating aktor nu’ng nagkita-kita silang dating magkaka-grupo ‘nung birthday ng star builder na si Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M: “Siyempre showbiz, binati pa nila akong lahat, sila ang unang bumati.”
Dagdag niya, “Ibang-iba talaga sa showbiz at tsaka sa real life…Pero hindi masama ‘yun, ganun talaga ang buhay eh, that’s life.”
“Hindi ba kumbaga magka-kompetensya rin kami, ayaw nilang makabalik ako. So tama kayo, mali ako. Walang hatred, that’s love,” aniya pa.
@amircarlosagassi Nagkikita pa ba kayo ng hunks or ibang artista na matagal mo nakasama at katrabaho? #Carlosagassi ♬ original sound – Carlos Agassi
Sa hiwalay na post, may nagtanong naman sa kanya kung naiinggit si Carlos sa dati niyang kasamahan na naging successful ang career.
“I’m very, very happy for them. Sobrang natutuwa ako for them. Kanya-kanya tayo ng path and let’s not compare ourselves to others,” sambit niya.
Lahad niya pa, “Ang buhay, 99% reactions sa ginawa sa atin.”
“For example, ‘nung binash ako sa first song na ‘Milk Tea,’ hindi niyo alam na one year akong hindi makalakad ‘nun, depressed ako. Gusto kong magpakamatay. Si Sarina lang ang nandun para awatin ako lagi. Talagang iyak ako ng iyak sa sobrang depressed,” pagbubunyag niya.
Patuloy niya, “Marami akong kinausap na mga TV networks. May mga ideas ako, ‘yung mga napapanood niyo ngayon. May mga script ako ng movies, TV series, kagaya ng show ko dati pero walang pumansin hanggang ngayon. And then two years, sa kanta namin nilalait nila ako.”
Gayunpaman, laking pasasalamat niya dahil marami nang natutuwa sa mga ginagawa niyang videos tungkol sa fitness.
“Ngayon sa wakas na-apply niyo, natutuwa kayo, nagagamit niyo, nakikita niyo ‘yung sincerity ko,” saad ni Carlos.
Mensahe pa niya, “So just be true, just be yourself tapos mag-a-adjust na lahat ng mag-a-adjust.”
“Tama kayo, mali ako. I’m not your doctor, do what works for you. God bless guys!” ani ng dating aktor.
@amircarlosagassi♬ original sound – Carlos Agassi
Kung matatandaan, taong 2023 nang inilabas ni Carlos ang kantang “Milk Tea” na talagang kinuyog ng mga beki at transwoman.
Ang reklamo nila, ang mensahe raw kasi ng kanta ay “transphobic” at hindi maganda at pasado sa panlasa ng mga advocate ng LGBTQ.
Pero dumepensa riyan si Carlos at sinabing, “It was never my intention to hurt or offend anyone because I love and respect all genders. Spread love and support your local artists.”