Kris Aquino umaming single na uli, hindi pa pwedeng magtrabaho

Kris Aquino umaming single na uli, hindi pa pwedeng magtrabaho

INAMIN ng Queen of All Media na si Kris Aquino kung ano ang real score patungkol sa kanyang relationship status.

Sa latest Instagram post na ibinahagi niya sa madlang netizens, naglabas siya ng update tungkol sa kanyang kalusugan pati na rin ang estado ng kanyang puso.

Makikitang nakahiga si Kris sa larawan kasama ang mga malalapit na tao sa kanya na sina Darla Sauler, Kim Chiu, at Miles Ocampo.

Sinimulan niya ang caption ng kanyang post sa lyrics ng “Tell Your Heart To Beat Again” ni Danny Gokey.

Baka Bet Mo: Mark Leviste may sama ba ng loob kay Kris Aquino? ‘Wala, we’re civil!’

Bukod sa kalagayan ng kaniyang kalusugan, isiniwalat din ni Kris Aquino ang relationship status niya.

Matapos ang pagdedetalye sa update sa kanyang kalusugan ay sinabi niyang single na siyang muli.

“I’ve always been honest with all of you, for some time now I have been single, no boyfriend so clearly no fiancé,” saad ni Kris.

Aniya, hindi naman daw niya idinetalye ang relasyon nila noon kaya naman

“I never gave details while we were a couple so it makes no sense to elaborate now,” sey pa ni Kris.

Sa huli ay nagpasalamat siya sa mga taong patuloy ang pagbibigay ng pagmamahal at suporta sa kanya.

Inamin ri ni Kris na sa ngayon ay hindi pa siya pwedeng magtrabaho dahil siya ay underweight.

“I haven’t posted anything because I didn’t want all those praying for me to feel sad & lose the faith.

“May I clarify? I’m not yet ‘fit to work’ because I’m very underweight 37 kilos/82 pounds,” sey pa ni Kris.

Read more...