PhilHealth sasagutin na ang lahat ng ‘outpatient emergency’ cases
MAY emergency ka ba? Huwag mag-alala, mga ka-BANDERA dahil sasagutin na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang lahat ng outpatient emergency cases.
Pero paglilinaw ng state health insurer, ito ay para lamang sa mga level 1 hanggang level 3 na mga ospital sa bansa.
Ayon sa anunsyo noong Huwebes, February 20, na iniulat ng INQUIRER, saklaw ito ng kanilang Facility-Based Emergency (FBE) benefit na bahagi ng outpatient emergency care benefit package.
Ang good news? Hindi na kailangan ng hiwalay na akreditasyon ng mga ospital para dito –automatic nang kasama sa kanilang pagiging accredited hospital!
Baka Bet Mo: PhilHealth may handog na libreng mammogram, breast ultrasound tests
Pero teka, may konting paalala rin ang kumpanya na kung saan ang ospital na may extension facilities ay kailangang magsumite ng sertipikasyon sa kanilang PhilHealth Regional Office para ipaalam ang pangalan at kumpletong address ng kanilang kaakibat na pasilidad.
Samantala, ang saklaw ng ambulance services sa ilalim ng Prehospital Emergency (PHE) benefit ay iaanunsyo sa ibang petsa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.