Jake Cuenca may inamin kay Coco Martin; bardagulan sa Batang Quiapo

Jake Cuenca excited nang ma-experience ang best version ni Coco Martin

Jake Cuenca at Coco Martin

TODO-TODO ang pasasalamat ng award-winning actor na si Jake Cuenca sa pagkuha sa kanya ni Coco Martin bilang isa sa mga bagong cast members ng “FPJ’s Batang Quiapo.”

Feeling grateful si Jake sa pinakabagong project niya sa ABS-CBN dahil muli silang magkakasama sa isang bonggang proyekto ni Coco na isa rin sa mga malalapit niyang kaibigan.

Sa “Tatak BQ: The FPJ’s Batang Quiapo 2nd Anniversary Special”, inamin ni Jake na magkakahalong excitement, kaba at pressure ang nararamdaman niya sa pagpasok sa “Batang Quiapo.”

“Sabi ko, ‘thank you talaga.’ Extremely grateful to be part of this big successful project. Sabi ko nga, nakaka-humble. Kasi it’s always difficult to enter a show mid-way.

“Pero when you look at the cast, when you look at everyone here, totoo ‘yung sinabi ni Ms. Osang (Rosanna Roces), you are in the presence of greatness,” saad ng aktor sa ulat ng ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Jake Cuenca ‘malas’ daw sa babae, pero naniniwala pa rin sa love: I’ve never regretted loving someone

Pagpapatuloy ng binata, “Just here alone, dalawang mentor ko ang nandito – Tito Ronnie (Lazaro) and Tito Pen (Medina). Then my two idols are here also–Tito Albert (Martinez) and Tito Bo (Christopher de Leon).”

Binalikan din ni Jake ang araw nang makatanggap siya ng tawag mula sa team ni Coco na papasok na siya sa hit series ng Kapamilya Network.


“I just smiled noong tumawag sa akin. Tapos sinabi sa akin, ‘O, papasok ka na.’ Kasi nag-flashback sa akin ang ‘Tayong Dalawa,’ nag-flashback sa akin ang ‘Ikaw Lamang,’ nag-flashback sa akin ang ‘Panday.’

“Definitely it feels like na nag-full circle kami rito. And sabi ko nga, I’m so excited,” sabi pa ni Jake.

Dagdag pahayag pa niya, “As an actor you grow through experience, through projects.

“I’m just excited to experience the best version of Coco Martin and I’m excited to experience the best version of all the actors here. And thank you, thank you!” aniya pa.

Bukod kay Jake, pasok din sa bagong season ng “Batang Quiapo” sina Andrea Brillantes, Albert Martinez at Angel Aquino.

Read more...