SINANG-AYUNAN ni World Boxing Organization welterweight champion Timothy Bradley ang naunang sinabi ng trainer ni Manny Pacquiao na si Freddie Roach na patutumbahin ni Pacquiao si Brandon Rios sa kanilang laban ngayong Linggo sa Cotai Arena sa The Venetian Hotel, Macau, China.
“Brandon has a style that suits Manny Pacquiao. Manny throws combination with every shot a death blow,” wika ni Bradley sa panayam ni Jake Donovan.
Nakasagupa ni Bradley si Pacquiao noong isang taon at bagaman kinuwestyon ng karamihan ang resulta ng laban ay idineklarang panalo via split decision si Bradley para maagaw kay Pacquiao ang WBO title.
Ayon kay Bradley, hindi aabot sa buong 12 rounds ay tatapusin na ni Pacquiao si Rios.Naunang naghayag ng prediksyon si Roach na sa loob lamang ng anim na rounds tatagal ang laban at pababagsakin ni Pacquiao si Rios.
Mas matangkad ng kaunti si Rios pero ayon kay Roach ay bumalik na ang dating bilis at lakas ni Pacquiao at napaghandaan na nila kung paano haharapin ang katunggali na nais na bumangon mula sa pagkatalo kay Mike Alvarado noong Marso.
“This is not Mike Alvarado,” paalala pa ni Bradley. “I think Rios is a bit too slow for Pacquiao and I don’t think he’s the best counter puncher. I got Manny Pacquiao by mid-rounds KO, maybe eight rounds.”
Samantala, ang mga pagmamaliit sa kanya ang siyang ginagamit ni Rios para lalong pag-initin ang mithiing biguin Pacquiao.
“They’re treating me like I’m sort of joke and that I’m just showing up to be the victim for Manny Pacquiao.
I’m nobodys tune-up fight and they’re going to find that out soon enough,” sabi ni Rios. Noong isang linggo pa dumating sa Macau ang Team Rios para maka-sanayan ang klima at time zone sa lugar.
Ang Team Pacquiao naman ay dumating kahapon lulan ang chartered flight ng Philippine Airlines.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.