LIST: Seasoned beauty queens na magpapainit ng laban sa MUPH 2025

LIST: Seasoned beauty queens na magpapainit ng laban sa MUPH 2025

veteran beauty queens

PUKSAAN na nga ang labanan sa Miss Universe Philippines 2025!

Matinding bakbakan kasi ang aasahan sa kompetisyon ngayong taon, lalo na’t mga pinakamahuhusay at pinakilalang reyna sa bansa ang maghaharap sa national pageant para ipagpatuloy ang laban at pangarap na maiuwi ang korona.

Ilan lamang sa mga bigating pangalan na sasabak muli sa patimpalak ay sina Yllana Marie Aduana, Winwyn Marquez, at Ahtisa Manalo, base sa ulat ng INQUIRER.

Ang 69 official candidates ng MUPH 2025 ay ipinakilala noong February 15 na ginanap sa Makati Shangri-La.

Baka Bet Mo: Ariella Arida national director na ng MUPH: ‘It’s an easy yes for me!’

Si Winwyn ang isa sa inaabangang kandidata na unang Asian na nagwagi sa Reina Hispanoamericana noong 2017.

Hindi rin pahuhuli si Yllana Marie Aduana, ang Miss Earth-Air 2023, na susubukang sundan ang yapak ni Celeste Cortesi bilang dating Miss Philippines Earth na nagtagumpay sa Miss Universe Philippines.

Kasama rin sa matitinding reyna na muling rarampa sina Chelsea Fernandez at Chanel Olive Thomas.

Si Fernandez ay dating Bb. Pilipinas Globe 2022 at Miss Philippines-Water 2019, habang si Thomas naman ay Bb. Pilipinas Supranational 2017 at Miss Philippines-Air 2015.

Muling magpapakitang-gilas sa MUPH stage ang 2022 runner-up na si Katrina Llegado na minsan ding itinanghal bilang quinta finalista (fifth runner-up) sa Reina Hispanoamericana 2019.

Hindi rin mawawala sa eksena si Ahtisa na nag-second runner-up sa MUPH 2024 at sumabak sa inaugural Miss Cosmo pageant kung saan siya ay nakapasok sa Top 10.

Matatandaang siya rin ang Miss International 2018 first runner-up.

Hindi lang sila ang mga reyna na babalik sa MUPH stage dahil nandiyan din sina Chella Falconer at Maica Cabling Martinez, habang ang pambato naman ng Filipino community sa Canada ay ang 2019 Miss Asia Pacific International runner-up at 2022 Miss Earth alumna na si Jessica Cianchino.

Ang ipinadala naman ng East Coast ng United States ay si Amanda Russo, isang US pageant veteran.

Ngunit kahit may mga experience na ang ilan sa official candidates ng this year’s national competition, huwag maliitin ang mga tinatawag na “underdogs.”

Ngayon pa lang, nakakaagaw na ng pansin ang mga bagong mukha tulad nina Eloisa Jauod ng Laguna, Gwendolyne Soriano ng Baguio City, Jarina Sandhu ng Isabela, at Alessandra Eugenio ng Pasig City.

Samantala, inanunsyo ng MUPH Organization ang bagong national director na si 2013 Miss Universe third runner-up Ariella Arida, habang nananatili sina Jonas Gaffud bilang presidente at Shamcey Supsup-Lee bilang direktor.

Read more...