
PHOTO: Instagram/@metrodotstyle
MAY magandang payo ang batikang aktres at Miss Universe 1969 na si Gloria Diaz pagdating sa usaping pera.
Ito ay matapos siyang tanungin ng kanyang anak na si Isabelle Daza sa isang Instagram post na ang caption pa nga ay, “Has anyone ever borrowed money from you?”
Sa video, mapapanood na naglalakad si Gloria sa isang football field at ang may hawak ng cellphone ay si Isabelle na hindi kita sa screen.
Ang tanong sa kanya ng anak na maririnig sa background, “Mom, what’s your advice about money?”
Baka Bet Mo: Isabelle Daza gumanti kay Alex Gonzaga matapos tawaging ‘Marites’
Ang simpleng sagot diyan ng 73-year-old na aktres, “Don’t lend money you can’t afford to lose.”
“But if you must help, just give a little as a present and don’t expect it to be returned,” aniya pa.
Napakomento naman diyan ang batikang journalist na si Karen Davila at talagang nag-agree siya sa sinabi ni Gloria.
“YES! Same advice my dad told me! [smiling face with hearts emoji],” sey niya.
Sumangayon din si Kuya Kim Atienza at sinabing: “Tama ito.”
Wika naman ni Ryan Agoncillo, “Truth.”
At tulad ng ilang celebrities, maraming netizens din ang naka-relate sa payo ni Gloria at sinabi pang mas okay ang magbigay ng kaunti dahil mahirap maningil.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“I have the same principle, help based on what you can afford.”
“Always been my rule. I never lend money. I just give and tell the person wag na niya ibalik. Tulong ko nalang. Pero 2k lang always. Kuripot ako sensya na.”
“Mas maiging magbigay na lang kahit konti keysa magpautang tas mahirap ng singilin. You’re gonna lose your own friendship or kamag-anak pa when it comes to money [shocked emoji].”
“Always admire how intelligent Ms. Gloria Diaz is. Up until now, she is still giving the best Miss Universe answer [red heart emoji].”