
PHOTO: Facebook/Doc Willie Ong
MATAPOS ang pag-atras ni Chavit Singson, nag-withdraw na rin sa darating na eleksyon ang tinaguriang Doktor ng Bayan na si Doc Willie Ong.
Inanunsyo niya mismo sa Facebook na hindi na niya itutuloy ang pagtakbo bilang senador dahil nais niyang alagaan ang kanyang kalusugan.
“I am officially withdrawing my candidacy for the 2025 elections so I can focus more on taking care of my health,” sey niya sa post ngayong araw, February 13.
Mensahe pa niya, “I sincerely thank all the people who supported me and prayed for me. I will continue to support good governance and the candidates who espouse the same ideals as mine.”
Baka Bet Mo: Doc Willie Ong dumaan muna sa sandamakmak na sama ng loob bago nagkaroon ng 7-M subscribers sa YouTube
Pagtitiyak din ni Doc Willie, “Our advocacy to help the poor Filipinos continues even in my private capacity.”
Kung matatandaan, September last year nang inanunsyo ng cardiologist at health advocate na maghahain siya ng certificate of candidacy (CoC) sa pagkasenador through his wife, Dr. Anna Liza Ramoso.
Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng sarcoma o abdominal cancer.
Maaalala noong 2022, naging runningmate niya ang presidential candidate at dating Manila Mayor na si Isko Moreno under Aksyon Demokratiko party.
Una nang tumakbo ang doktor ng bayan sa pagkasenador noong 2019, pero siya ay natalo.
Naging consultant siya ng Department of Health noong 2010 hanggang 2014.
Samantala noong Oktubre, sinabi ni Doc Willie na patuloy nang bumubuti ang kalagayan niya matapos sumailalim sa iba’t ibang medical treatment sa ibang bansa.
Naniniwala raw siya na may plano ang Diyos para sa kanya, pato na rin sa lahat ng naniniwala at sumasampalataya sa Kanya.