MARAMING nagtanggol sa vlogger-DJ na si Jellie Aw laban sa mga bashers na nagsasabing nakarma ang dalaga dahil sa pang-ookray niya kay Karla Estrada.
Si Karla ang ex-girlfriend ni Jam Ignacio, ang fiancé ni Jellie na inakusahan niya ng pambubugbog habang nasa loob daw sila ng sasakyan.
Ipinost ng content creator ang mga litrato sa Facebook kung saan makikita ang sugatan at duguan niyang mukha sanhi ng pambubugbog umano sa kanya ni Jam.
Maraming naawa at nakisimpatya kay Jelli pero may mga nang-okray at nangnega sa kanya, kabilang na ang mga tagapagtanggol ni Karla na inasar-asar niya kamakailan sa social media.
Baka Bet Mo: Ex-dyowa ni Karla na si Jam Ignacio engaged na sa non-showbiz GF
Isa sa mga nagtanggol at dumepensa sa sexy DJ ay ang nanay-nanayan niya sa pamamagitan din ng Facebook na may profile name na “Chit Charap.”
Ni-repost niya ang mga litrato ni Jellie na halos hindi na makilala sa kanyang itsura dahil sa tinamong mga sugat at pasa.
Ang caption ni Chit Charap, “Sa mga nakiki ride on sa isyu nila Jellie Aw at Jam Ignacio…
“Hindi po Jackpot si jellie kay Jam..high school pa lang masipag na si jellie, magaling sumayaw kaya naging honeybee sa singing bee ng Abs Cbn nung time ni Cesar Montano.
“Alam ko po dahil parang anak ko na itong batang ito, sobrang bait sa magulang, halos wala ng pahinga sa pagtratrabaho.
“Eldest po sa siblings, namatay ang papa nya, siya na bumuhay sa pamilya nya.
Nakalungkot na kapwa natin babae bubugbugin ng future husband, na sana ay wag na matuloy.
“Magising ka na sa nangyari, baka sa sunod ay mas malala pa diyan ang gawin sa iyo.
“Anak, pinost ko ito kasi kung ano ano nababasa ko na akala yata eh big fish itong taong ito.
“Bahay po nya yan, sasakyan nya, mga negosyo na sya ang nagpundar!!
Manahimik kayo ha!” ang kabuuang pahayag ng nanay-nanayan ni Jellie.
Nagpasalamat naman ang dalaga sa kanyang nanay-nanayan sa ginawang pagtatanggol sa kanya.