Ashley Ortega dyowa na si Mavy Legaspi; pinuri sina Zoren at Carmina

Ashley Ortega dyowa na si Mavy Legaspi; pinuri sina Zoren at Carmina

Ashley Ortega, Mavy Legaspi at Carmina Villarroel

CONFIRMED! Magdyowa na nga ang mga Kapuso stars na sina Ashley Ortega at Mavy Legaspi.

Diretsahang tinanong ang dalaga sa episode ngayong araw, February 10, ng “Fast Talk with Boy Abunda” kung may relasyon na nga ba sila ngayon ni Mavy.

Question ni Tito Boy sa aktres, “Ito’y yes or no lang naman. Oo o hindi, kayo na ba ni Mavy Legaspi?”

Tila nahiya pang sumagot nu’ng una si Ashley pero sagot niya sa King of Talk,  “I think it’s obvious naman na… yes (kami na)!”

Baka Bet Mo: Ashley mabilisan ang paghahanda para sa pagsusuot ng 2-piece sa ‘Hearts On Ice’; kinilig at gwapung-gwapo kay Xian

Follow-up na tanong ni Tito Boy sa “Pulang Araw” star, “Paano nag-umpisa ang lahat? Paano ka niligawan, what can you tell us?”

Sey ni Ashley, matagal na silang magkakilala ni Mavy dahil meron silang common friends, pero last year lang sila nagsimulang mag-date.


“Well, I met Mavy a few years ago. Mga bata pa kami noon, e, I think, when he started signing a contract sa Sparkle (talent management ng GMA).

“But we started hanging out more last year. Tapos doon ko talaga siya nakilala talaga,” rebelasyon ng dalaga.

Agad namang nilinaw ni Ashley na pareho na silang single ni Mavy nang magsimula silang mag-date exclusively kaya hindi totoo ang chika na siya ang dahilan ng breakup ng aktor at ni Kyline Alcantara.

Hiwalay na rin daw that time si Ashley sa ex-boyfriend niyang politician na si Lucena City Mayor Mark Alcala.

“I think it started na parang there was a one night kasama yung mga friends namin, so doon ko siya nakilala.

“Then nagtuluy-tuloy na. And then he asked me out if we can have lunch or dinner together just to get to know each other. Then, nagtuluy-tuloy na,” aniya pa.


Ilan sa mga qualities na nagustuhan ni Ashley kay Mavy ay ang pagiging thoughtful at generous nito, “Hindi naman kasi ako magrandeng tao na kailangan ng flowers or surprises or whatsoever.

“Ano lang talaga, more on conversational lang talaga ako,” sey ng dalaga.

Sumunod na tanong ni Tito Boy kay Ashley, “Ano yung mga impression mo kay Mavy dati noong hindi pa kayo close na tama at mali pala? Let’s start with ‘Akala ko, hindi naman pala.'”

Tugon ng dalaga, “I though before na hindi niya mama-match yung maturity ko kasi he’s younger than me, e. He’s three years younger than me.

“But he’s actually mature. Parang in our relationship, parang ako pa nga yung pabebe girl. He takes care of me. Ayun yung napatunayan niya while we were going out. He is well-mannered guy. He is!”

Todo puri rin ang aktres sa pamilya ni Mavy. Napakaganda raw ng pagpapalaki nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa kanyang boyfriend.

Nakilala na niya sina Carmina at Zoren, pati na ang twin sister ni Kavy na si Cassy Legaspi nang sumama siya sa kanilang family dinner.

Sey ni Ashley, “There are very welcoming. I’ve worked with Tita Mina na before, nag-lock-in taping din kami in two months.

“Si Tito Zoren also I’ve worked na rin sa kanya before, he became my dad. But when me and Mavy, we’re hanging out na, Mavy introduced me to them. Actually last December, they invited me for the Christmas dinner.

“They’re very welcoming, mababait po sila, and Cassy also.”

Nito lamang January, 2025 napabalita na may namamagitan na kina Ashley at Mavy matapos mag-viral sa social media ang mga video kung saan makikita silang magka-holding hands habang papasok sa isang building sa Cebu City.

Magkasama sina Mavy at Ashley sa Cebu nang dumalo sa Sinulog Festival noong January 19.

Read more...