Pokwang: Yung mga pinagdaanan namin ni Herlene wala na po, kabag na lang!

Pokwang: Yung mga pinagdaanan namin ni Herlene wala na po, kabag na lang!

Herlene Budol at Pokwang

IBANG-IBANG Pokwang ang mapapanood ng mga Kapuso viewers sa pinakabagong afternoon series ng GMA, any “Binibining Marikit.”

For the first time ay magkakasama sa isang teleserye si Pokwang at ang kapwa niya komedyanang si Herlene Budol kaya siguradong bagong-bagong ito para sa kanilang respective supporters

After two years ay nagbabalik nga si Pokey sa paggawa ng teleserye kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa GMA dahil siya ang napiling gumanap na nanay ni Herlene sa “Binibining Marikit” bilang si Mayumi.

Kuwento ni Pokey, malapit sa tunay na buhay ang karakter niya sa programa dahil tulad niya ay nakipagsapalaran din si Mayumi sa Japan hanggang sa bumongga ang kanyang buhay.

“Madalas kasi nanay ako, mahirap. Dito sa Binibining Marikit, nag-Japan pa kami, hello? Amoy mayaman naman ako dito, maiba lang,” ang chika ni Pokwang sa naganap na presscon ng “Binibining Marikit”.

Baka Bet Mo: Herlene: Minsan na ‘kong nasaktan ng Pinoy, ba’t ‘di subukan ang AFAM

And of course, alam naman ng lahat na isa ring dakilang ina si Pokwang kaya relate much din siya sa kanyang role sa serye as the mother dear of Herlene.

May isa pang anggulo sa kuwento ng “Binibining Marikit” ang medyo malapit sa tunay na buhay ni Pokey, yan ay ang pagkakaroon niya ng dyowang foreigner sa istorya.


Alam naman ng lahat kung ano ang pinagdaanan ng komedyana sa pakikipagrelasyon niya sa American actor at dating partner na si Lee O’Brian na ipina-deport niya dahil sa mga nagawa nitong kasalanan sa kanya.

Hirit nga ni Pokwang, “Wala na pong deportasyon na mangyayari. Yung mga pinagdaanan po namin ni Herlene, wala na po. Kabag na lang po ‘yun, naibuga na po namin ‘yun this time.”

Sey pa ni Pokwang, feeling thankful and grateful siya na nakatrabaho niya ang kanyang “TiktoClock” co-host na si Herlene sa isang teleserye dahil para na rin daw silang tunay na mag-ina.

Kasama rin sa “Binibining Marikit” sina Tony Labrusca at Kevin Dasom bilang mga leading man ni Herlene. Nasa cast din sina Almira Muhlach, Thea Tolentino, Cris Villanueva,Ashley Rivera, Jeff Moses, Migs Almendras, at John Feir, mula sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.

Mapapanood na ang “Binibining Marikit” simula sa February 10 sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng “It’s Showtime.”

Read more...