
Anthony Jennings at Maris Racal
IN FAIRNESS, mukhang nakabawi at naka-recover na ang Kapamilya loveteam na sina Maris Racal at Anthony Jennings mula sa kanegahan nang dahil sa cheating scandal.
Nabawasan na kasi ang mga pang-ookray at pambabastos ng mga bashers at haters sa dating magdyowa matapos akusahan ng ex-dyowa ni Anthony na si Jam Villanueva ng panloloko sa kanya.
Base sa nababasa naming mga comments sa social media, wala na raw silang pakialam sa past ng magka-loveteam, ang mahalaga ay napapakilig at napapasaya pa rin sila ng dalawang Kapamilya stars.
Puring-puri ng netizens ang galing nina Maris at Anthony sa pinag-uusapang action series ng ABS-CBN at Netflix na “Incognito”.kung saan nagkita na nga ang kanilang mga karakter sa kuwento.
Baka Bet. Mo: Anthony Jennings party-party na ngayon; Maris Racal ‘namundok’
Sabi ng ilang loyal fans ng tambalang MaThon, madali silang napatawad ng madlang pipol dahil na rin sa kanilang mga talento. Sey naman ng ilang netizens, madali talagang makalimot ang mga Pinoy sa mga kontrobersiya at iskandalo.
Narito ang mga nabasa naming komento tungkol sa pag-ariba muli ng loveteam nina Maris at Anthony.
“Hate them or love them, pero hindi natin maaalis na may chemistry talaga sila and magaling talaga! Don’t mind the bashers!”
“Ayan na silang dalawa. Grabe talaga ang chemistry at ang galing sa actingan. Love them both.”
“Sus! Talagang bagay sila comedy Ang dating mapapakilig talaga.”
“Kilig talaga itong dalawa ,may pagkacomedy di boring ang mga role nila ,binabantayan ko lagi ang mga eksena nila super ganda incognito.”
“Minus the personal issues, undeniably na mahusay talaga silang dalawa.”
“Ang lakas tlga ng chemistry nila.. Pero gnyan padin kaya sila sa mga susunod na scenes.. now na obvious na iniiwasan na si Jennings ni Maris?”